Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Taiwan, magtatayo ng representative office sa Aix-en-Provence ng Pransya; Tsina, ipinahayag ang mariing pagtutol sa opisyal na kontak sa Taiwan ng anumang bansang may diplomatikong relasyon sa Tsina

(GMT+08:00) 2020-08-27 16:03:38       CRI

Ayon sa ulat, binabalak ng Taiwan na magtayo ng isang bagong representative office sa Aix-en-Provence, katimugan ng Pransya.

Sinabi ng panig Taiwanes na mapapasulong ng nasabing opisina ang kooperasyon ng Pransya at Taiwan sa mga larangang gaya ng kultura, turismo, komersyo, inobasyon, edukasyon at iba pa.

Kaugnay nito, sinabi nitong Miyerkules, Agosto 26, 2020 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na iisa lamang ang Tsina sa daigdig.

Buong tatag aniyang tinututulan ng Tsina ang opisyal na kontak at pakikipagpalitan sa Taiwan ng anumang bansang may relasyong diplomatiko sa Tsina.

Saad ni Zhao, ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina, kaya dapat sundin ng panig Pranses ang simulaing "Isang Tsina," at maingat at maayos na hawakan ang mga isyung may kinalaman sa Taiwan.

Isinasagawa ng awtoridad ng Democratic Progressive Party ng Taiwan ang mapangwasak na aktibidad sa daigdig, at hindi magtatagumpay ang tangkang ito, dagdag ni Zhao.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>