|
||||||||
|
||
Ang Yellow River ay "ilog ng Inangbayan " na lubos na pinakikinabangan ng mga mamamayang Tsino. Pero, sa proseso ng pagsasaayos ng Yellow River, lumitaw rin ang maraming kahirapan.
Sapul nang Ika-18 Pambansang Kongresong Bayan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), pumunta nang maraming beses sa rehiyon ng Yellow River si Xi Jinping, Pangulo ng Tsina.
Ang pangangalaga sa ekolohiya ng riverbasin ng Yellow River at pagpapasulong ng pag-unlad sa mataas na kalidad dito ay naging mahalagang estratehiya ng pag-unlad ng bansa.
Sa kanyang paglalakbay noong 2016 sa lalawigang Qinghai ng Tsina, sinabi ni Pangulong Xi na ang pangangalaga sa Sanjiangyuan, bunganga ng Yangzi River at Lancang River, ay napakahalaga sa pag-unlad ng nasyong Tsino.
Sa kanyang paglalakbay noong Agosto 2019, sa lalawigang Gansu, sinabi din ni Pangulong Xi ang kahalagahan ng pangangalaga sa ekolohiya para sa sustenableng pag-unlad.
Sa loob ng isang taon mula noong Hulyo 2019, madalas na naglalakbay si Pangulong Xi sa 6 lalawigan sa basin ng Yellow River.
Sa talakayan na idinaos Setyemre 19, 2019, maliwanag na itinakda na ang pangangalaga sa ekolohiya sa Yellow River at pag-unlad sa mataas na kalidad sa rehiyong ito, ay napakahalagang estratehiya ng Tsina.
Binigyan-diin ni Pangulong Xi na ang pangangalaga sa Yellow River ay pangmalayuang usapin na kaugnay ng pag-ahon ng nasyong Tsino.
Ang usaping ito ay maaaring magdulot ng mas maraming benepisyo at kaligayahan sa mga mamamayang Tsino. At tulad ng pahayag ni Pangulong Xi, ang kaligayahan ng mga mamamayan ay usapin ng CPC.
Salin:Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |