|
||||||||
|
||
Inilabas Biyernes, Setyembre 18, 2020 ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper hinggil sa 30 taong pagsapi ng hukbong Tsino sa operasyong pamayapa ng United Nations (UN).
Tinukoy ng white paper na ang hukbong Tsino ay masusig puwersa ng operasyong pamayapa. Nagsagawa ang mga sundalong pamayapa ng Tsina ng tungkulin sa mahigit 20 bansa't rehiyon sa daigdig. Mahalagang ambag ang ginawa nila para sa pagpapasulong sa mapayapang pagresolba sa mga alitan, pangangalaga sa seguridad at katatagan ng rehiyon, at pagpapasulong sa pag-unlad ng kabuhaya't lipunan ng mga bansa kung saan nadistino sila.
Diin ng dokumento, komprehensibong ipinatupad ng Tsina ang pangako sa peacekeeping summit ng UN.
Ipinakikita ng white paper na aktibong pinasulong ng hukbong Tsino ang kooperasyong pandaigdig sa operasyong pamayapa. Magkakasunod na isinagawa ng hukbong Tsino ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa mahigit 90 bansa at 10 organisasyong panrehiyo't pandaigdig, sa aspektong operasyong pamayapa, upang walang humpay na mapataas ang kakayahang pamayapa.
Anang dokumento, naglilingkod ang hukbong Tsino sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan. Patuloy na patitingkarin ng Tsina ang papel ng pirmihang kasaping bansa ng UN Security Council (UNSC), buong tatag na kakatig at sasali sa mga operasyong pamayapa ng UN, at gagawin ang kinakailangang ambag para sa pagtatatag ng isang malinis at magandang daigdig na may pangmatagalang kapayapaan, unibersal na seguridad, komong kasaganaan, pagbubukas at pagbibigayan.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |