|
||||||||
|
||
Sa bukas na debatehan ng United Nations (UN) tungkol sa isyu ng aksyong pamayapa, ipinahayag ni Ma Zhaoxu, Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN, na dapat pahalagahan ng komunidad ng daigdig ang konstruksyon ng kakayahang pamayapa ng mga kalahok na bansa.
Ani Ma, dapat pahalagahan ng komunidad ng daigdig ang aktuwal na pangangailangan ng mga bansang nagpapadala ng sundalo, partikular na ng mga umuunlad na bansa, at sa pamamagitan ng lubos at mabisang pagsasanay at konstruksyon ng kakayahan, dapat ding walang humpay na pataasin ang seguridad at suweldo ng mga tauhang pamayapa.
Dagdag pa niya, nakahanda ang panig Tsino na makapagbigay ng ambag sa konstruksyon ng kakayahan ng aksyong pamayapa ng UN para ipatupad ang pangako nito sa kapayapaang pandaigdig sa aktuwal na aksyon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |