|
||||||||
|
||
Kung talagang isasaalang-alang ng ilang personaheng Amerikano ang kalagayan ng Xinjiang, dapat basahin nila ang White Paper sa Pagtatrabaho at Karapatan ng Manggagawa sa Xinjiang na inilabas ng Tsina kamakailan.
Ipinahayag ito Setyembre 21, 2020, sa regular na preskon sa Beijing ni Wang Wenbin, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Ayon sa ulat, kamakailan, maraming beses na binatikos ng mga mataas na opisyal ng Amerika ang pamahalaang Tsino hinggil sa sapilitang pagtatrabaho ng mga manggagawa sa Xinjiang, ipinataw din ng Amerika ang sangsyon sa ilang kumpanyang Xinjiang.
Hinggil dito, sinabi ni Wang na ang mga suliranin ng Xinjiang ay suliraning panloob ng Tsina, walang anumang karapatan ang Amerika na makialam dito. Ang mga paninira ng Amerika sa Tsina ay walang anumang katibayan.
Hinimok ng Tsina ang ilang personaheng Amerikano na igalang ang katotohanan, itigil ang paninira sa Xinjiang, itigil ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, at itigil ang panggugulo sa kaayusan at katatagan ng Xinjiang. Patuloy na isasagawa ng Tsina ang kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ang lehitimong karapatan ng mga kumpanyang Tsino, saad ni Wang.
Salin:Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |