|
||||||||
|
||
Ayon sa Twitter account ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos nitong Linggo, Setyembre 13, 2020, inilabas ng panig Amerikano ang isang website na may kinalaman sa Xinjiang. Kaugnay nito, sinabi nitong Lunes ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ikinakalat ng naturang website ang mga kasinungalingan at tsismis, at pinipilipit ang katotohanan.
Tinukoy ni Wang na nitong nakalipas na 40 taon, lumaki ng mahigit doble ang populasyon ng lahing Uygur sa Xinjiang. Ang kabuuang bilang ng mga moske sa Xinjiang ay mahigit 10 ulit ng Amerika. Bilang isang bahagi ng hanay ng mga manggagawang Tsino, ang iba't ibang karapatan at kapakanan ng mga manggagawa ng pambansang minorya sa Xinjiang ay pinangangalagaan ng mga batas na gaya ng Labor Law at Labor Contract Law.
Sa kabila ng nabanggit na mga katotohanan, sinisiraan at dinudungisan ng Kagawaran ng Estado ng Amerika ang kalagayan ng karapatang pantao ng Xinjiang, sa pamamagitan ng umano'y bintang na "sapilitang pag-isterilisa," "panggigipit sa kalayaang panrelihyon," "sapilitang pagtatrabaho" at iba pa, dagdag ni Wang.
Diin ni Wang, ang mga isyung may kinalaman sa Xinjiang ay suliraning panloob ng Tsina, at hinding hindi hahayaan ang pakikialam dito ng anumang puwersang dayuhan.
Muling hinimok aniya ng panig Tsino ang panig Amerikano na itigil ang manipulasyong pulitikal, at itigil ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, sa katwiran ng mga isyung may kinalaman sa Xinjiang.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |