Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

White paper hinggil sa karapatan ng mga manggagawa at paghahanap-buhay sa Xinjiang, inilabas ng Tsina

(GMT+08:00) 2020-09-17 15:54:47       CRI

Inilabas Huwebes, Setyembre 17, 2020 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper hinggil sa karapatan ng mga manggagawa at paghahanap-buhay sa Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang, Tsina.

Isinalaysay ng white paper na pinakamalaking saligang proyekto ng Xinjiang ang pagpapasulong sa paghahanap-buhay, at tuluy-tuloy na pinag-i-ibayo ang pagsasanay sa hanap-buhay, aktibong pinalalawak ang tsanel ng hanap-buhay, at mabisang pinalalaki angkapasidad ng hanap-buhay.

Dahil dito, bumubuti ang kalagayan ng paghahanap-buhay sa Xinjiang, at walang humpay na tumataas ang kita ng mga mamamayan ng iba't ibang lahi, diin ng dokumento.

Ayon pa rito, nitong nakalipas na ilang taon, ibayo pang kinumpleto ang sistema ng mga patakaran sa paggarantiya sa hanap-buhay at mga manggagawa sa Xinjiang, walang tigil na lumawak ang saklaw ng hanap-buhay, naging mas makatwiran ang estruktura ng hanap-buhay, malinaw na tumaas ang kalidad ng kakayahan ng mga manggagawa, at matatag na lumago ang kita ng mga residente at manggagawa.

Sa harap ng di-paborableng epektong dulot ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019, (COVID-19), kinoordina ng Xinjiang ang pagkontrol sa pandemiya at pagpapasulong sa pag-unlad ng kabuhaya't lipunan. Hanggang noong katapusan ng Hunyo 2020, nabawasan ng 7.553 bilyong yuan RMB ang social insurance premium sa tatlong aspektong kinabibilangan ng endowment insurance, employment insurance at industrial injury insurance.

Natamasa rin ng 552,400 katao ang iba't ibang uri ng subsidya sa hanap-buhay na nagkakahalaga ng 1.695 bilyong yuan RMB.

Samantala, 339,700 katao ang nabigyan ng bagong hanap-buhay sa mga lunsod at nayon, at 41,800 katao naman ang nagpasimula ng sariling negosyo.

Diin ng white paper, iginagarantiya ng Xinjiang ang mga pundamental na karapatan at kapakanan ng mga manggagawa, alinsunod sa mga batas, at totohanang pinangangalagaan ang kani-kanilang iba't ibang karapatan sa mga aspektong gaya ng patas na paghahanap-buhay, pagkuha ng kita, pagpapahinga at pagbabakasyon, kalayaan sa pagpili ng relihiyon, paggamit ng lengguwahe at titik ng sarili nilang lahi at iba pa.

Anang dokumento, mahigpit na ipinapatupad ng Xinjiang ang mga kaukulang patakaran at hakbangin ng bansa, aktibong isinasagawa ang mga pandaigdigang pamantayan sa manggagawa at karapatang pantao, at iginagarantiya, sa pinakamalaking digri ang karapatan sa pagtatrabaho ng mga mamamayan ng iba't ibang lahi, bagay na nakapaglatag ng matibay na pundasyon para sa pagsasakatuparan ng karapatan sa buhay at kaunlaran, sa mas mataas na malawak na antas.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>