Ipinagdiinan nitong Lunes, Setyembre 21, 2020 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tumalikod na ang Amerika sa Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA), at walang karapatan itong humiling sa United Nations Security Council (UNSC) na ipataw ang mekanismo ng "mabilis na pagpapanumbalik ng sangsyon" laban sa Iran. Ipagpapatuloy ng UNSC ang mga alituntunin ng kaukulang resolusyon sa pagtitigil ng sangsyon sa Iran, ayon sa resolusyong bilang 2231.
Noong Setyembre 19, unilateral na ipinatalastas ng panig Amerikano na dahil ipinadala na ng Amerika ang liham sa UNSC hinggil sa pagsisimula ng mekanismo ng "mabilis na pagpapanumbalik ng sangsyon" laban sa Iran noong Agosto 20, napanumbalik na ang lahat ng mga sangsyon ng UNSC sa Iran.
Kaugnay nito, tinukoy ni Wang na ginawa ng tagapangulo ng UNSC ang konklusyon hinggil sa hindi pagtugon sa kahilingan ng panig Amerikano, at hanggang ngayon, hindi isinagawa ng UNSC ang anumang aksyon sa pagsisimula ng nasabing mekanismo.
Salin: Vera