Ipinatalastas nitong Lunes, Setyembre 21, 2020 ng pamahalaang Amerikano ang pagpataw ng bagong round ng sangsyon laban sa 27 entities at indibiduwal na may kaugnayan sa sandatang nuklear, missile, at konbensyonal na sandata ng Iran.
Bukod dito, kabilang din sa sangsyon ang mga ari-arian sa Amerika ng mga nagsasagawa ng conventional arms trade at nagkakaloob ng pagsasanay na teknikal at tulong na pondo sa Iran.
Ipinahayag nang araw ring iyon ni Ministrong Panlabas Mohammad Javad Zarif ng Iran na "walang bagong " sa ipinataw na bagong round ng sangsyon ng Amerika. Aniya, ipinataw na ng panig Amerikano ang lahat ng presyur laban sa Iran, ngunit hindi yumukod ang Iran.
Ayon pa sa ulat, sinabi ni Ministrong Panlabas Sergei Lavrov ng Rusya na tumalikod na ang Amerika sa Komprehensibong Kasunduan ng Isyung Nuklear ng Iran, kaya walang itong anumang karapatan sa isyung ito. Aniya, ganap na ilegal ang pagsasagawa ng Amerika ng unilateral na sangsyon.
Salin: Lito