|
||||||||
|
||
Ayon sa datos na isinapubliko kamakailan ng Federal Reserve Board ng Amerika, dahil sa ilang elementong gaya ng pagtaas ng stock market, noong ikalawang kuwarter ng kasalukuyang taon, umabot sa 119 na trilyong dolyares ang ari-arian ng mga pamilyang Amerikano. Ito ay mas malaki ng halos 7% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Ngunit ang mga ari-ariang ito ay napunta pangunahin na, sa mga pinakamayamang pamilya. Samantala, bumaba ang kita o nawalan ng trabaho ang napakaraming mamamayang Amerikano.
Ayon sa datos ng Federal Reserve Board ng Amerika, hanggang noong katapusan ng nagdaang marso, ang pinakamayamang 10% Amerikano ay nagtataglay ng mahigit 2/3 ari-arian ng buong bansa.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |