|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat ng Reuters nitong Linggo, Setyembre 20, 2020, nilagdaan nang araw ring iyon ng isang mahistrado ng Estadong California ng Amerika ang pansamantalang pagpapatigil sa pag-ban ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika sa WeChat sa mga app stores ng Amerika.
Ang WeChat ay isang messaging app na pag-aari ng Tencent Holdings ng Tsina.
Ayon sa kautusan ng Kagawaran ng Komersyo ng Amerika nitong Biyernes, dapat alisin ng Apple Inc at Google (Alphabet Inc) ang WeChat mula sa mga app store simula Setyembre 20.
Sinabi ni Magistrate Judge Laurel Beeler ng San Francisco na "di-konkreto" ang ebidensiya sa akusasyon ng pamahalaan ni Donald Trump na ang WeChat ay nagsasapanganib sa pambansang seguridad ng Amerika.
Hindi rin maaaring ipaliwanag ng utos ni Trump kung paano pangangalagaan ng ban sa WeChat ang pambansang kapakanan ng Amerika.
Sa kasalukuyan, wala pang komento ang Kagawaran ng Komersyo sa nasabing hatol.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |