Ipinahayag ni Tagapagsalita Wu Qian ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na nitong Lunes, Setyembre 21, idinaos ng dalawang hukbo ng Tsina at India ang ika-6 na commander-level military talks sa Moldo ng Tsina.
Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang panig na mataimtim na isakatuparan ang narating na mahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, palakasin ang pagsasanggunian at pag-uugnayan, iwasan ang maling pag-unawa at pagtasa, itigil ang pagdaragdag ng mga sundalo sa unang hanay ng depensa sa hanggahan, huwag unilateral na baguhin ang kasalukuyang situwasyon, at iwasan ang pagsasagawa ng anumang aksyong posibleng nakakapagpalala sa situwasyon.
Salin: Lito