|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Huwebes, Setyembre 24, 2020 ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Tsina ay nananatili pa ring mabuting destinasyon ng mamumuhunan ng iba't-ibang bansa na kinabibilangan ng Amerika.
Sinipi ni Gao ang ulat ng pag-aaral na inilabas kamakailan ng US-China Business Council na nagsasabing itinuturing ng 83% ng mga interviewee companies ang Tsina bilang isa sa mga pangunahing pamilihan sa buong daigdig. Ito aniya ay lubos na nagpapakita ng kompiyansa ng mga mamumuhunang dayuhan sa merkadong Tsino.
Dagdag pa niya, patuloy at matatag na palalawakin ng Tsina ang pagbubukas sa labas, at pabubutihin ang kapaligirang pangnegosyo.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |