Sa kanyang talumpati sa pangkalahatang debatehan ng Ika-75 Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN) nitong Sabado, Setyembre 26, 2020, sinabi ni Punong Ministro Boris Johnson ng Britanya na ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay nagbunsod ng walang katulad na hamon sa komunidad ng daigdig. Dahil dito, nanawagan siya sa lahat ng mga tao na magbuklud-buklod upang pagtagumpayan ang pandemiya.
Diin ni Johnson, ang World Health Organization (WHO) ay nananatili pa ring organong namumuno sa paglaban ng sangkatauhan sa iba't ibang uri ng sakit.
Nangako ang Britanya na buong lakas na kakatigan ang WHO, at patuloy na dagragdagan ang tulong na pondo sa WHO.
Salin: Vera