Inilabas nitong Sabado, Setyembre 26, 2020 ng Chinese Academy of Sciences (CAS) ang Big Earth Data in Support of the Sustainable Development Goals (2020).
Ang nasabing ulat ay inilabas sa virtual conference sa mataas na antas hinggil sa pag-ahon mula sa kahirapan at South-South Cooperation na magkakasamang itinaguyod ng Tsina, United Nations Department of Economic and Social Affairs (UNDESA) at United Nations Development Programme (UNDP).
Inilahad ng nasabing ulat ang mga ginawa ng Tsina kaugnay ng pagpapatupad ng 2030 Agenda for Sustainable Development, sa pamamagitan ng inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya. Ipinakikita rin nito ang kahalagahan at malawakang prospek ng big earth data para sa pagsusuperbisa at pagtasa sa target ng sustenableng pag-unlad. At ipinagkakaloob ang karanasan at plano ng Tsina sa pagpapasulong ng inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya sa sustenableng pag-unlad. Nagpapatingkad ito ng positibong papel para sa pagsuporta ng siyensiya't teknolohiya sa pagpapatupad ng buong mundo ng 2030 Agenda.
May 24 na data products, 13 methodological model at 19 na decision support ang nasabing taunang ulat sa taong 2020. Ang mga nilalaman ay kinabibilangan ng pagtasa sa proseso ng Land Degradation Neutrality (LDN) ng Tsina at patakaran sa pangangalaga sa biodiversity, komprehensibong pagtasa sa sustenableng pag-unlad ng mga lunsod at nasyon ng Tsina, kayarian at patakaran sa pangangalaga sa mga wetland ng bansa, pagtasa sa marine ecosystem ng Tsina at iba pa. Mahalagang mahalaga ang katuturan nito para sa pagpapasulong sa paglilingkod ng siyentiya't teknolohiya sa sustenableng pag-unlad ng mundo.
Salin: Vera