Ipinadala ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng UN ang mensaheng pambati sa Ika-7 Kubuqi International Desert Forum, na binuksan kahapon, Sabado, ika-27 ng Hulyo 2019, sa Ordos, lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia ng Tsina.
Sinabi niyang nagbigay ang Tsina ng malaking ambag sa pandaigdig na pangangasiwa ng ekolohiya at kapaligiran. Ang mga paraan ng Tsina ng paglaban sa desertipikasyon ay karapat-tapat na tularan, para lutasin ang problemang ekolohikal at karalitaan ng sangkatauhan sa hinaharap, dagdag ni Guterres.
Sa kanya naman paglahok sa porum, ipinahayag ni Ibrahim Thiaw, Deputy Executive Director ng United Nations Environment Programme, ang pag-asang palalaganapin sa Aprika ang mga karanasan ng Tsina sa paglaban sa desertipikasyon.
Ang Kubuqi International Desert Forum ay siyang tanging multilateral na porum sa buong daigdig na nagtatampok ng paglaban sa desertipikasyon. Lumahok sa kasalukuyang porum ang mahigit 400 kinatawan mula sa mahigit 30 bansa at mga organisasyong pandaigdig. Ang paglaban sa desertipikasyon, inobasyon sa siyensiya at teknolohiyang may kinalaman sa ekolohiya sa desiyerto, at pagpapaunlad ng berdeng pinansyo ay kabilang sa mga pangunahing paksa ng porum.
Salin: Liu Kai