|
||||||||
|
||
Sa bisperas ng Ika-71 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng People's Republic of China (PRC) at Mooncake Festival, idinaos Miyerkules, ika-30 ng Setyembre 2020, ng Embahadang Tsino sa Pilipinas ang on-line na resepsyon.
Ipinahayag ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, na nitong 71 taong nakaraan, natamo ng Tsina ang kapansin-pansing bunga sa iba't ibang larangan.
Sinabi pa niyang sa pamamagitan ng estratehikong pamumuno nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas, patuloy na lumalalim ang mga aktuwal na kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang panig.
Ipinahayag din ni Huang ang paghanga sa pagdadamayan ng mga mamamayan ng dalawang bansa sa gitna ng epidemiya ng COVID-19.
Muli nito aniyang ipinakikita ang pagkakaibigan, kapatiran at partership ng Tsina't Pilipinas sa bagong panahon.
Bukod dito, sinabi ni Huang na tutupdin ng panig Tsino ang pangako nitong bibigyan ng proyoridad ang pangangailangan ng Pilipinas sa bakuna ng COVID-19, sa sandalling maisapinal ang pananalisik at pagyari nito.
Lumahok sa online na resepsyon ang halos 2.5 milyong ethnic at overseas Chinese sa Pilipinas, mga kinatawan ng bahay-kalakal ng Tsina, mga estudyanteng Tsino at gurong nagtuturo ng wikang Tsino sa Pilipinas.
Ulat: Ernest
Pulido: Rhio/Jade
Larawan: Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |