![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng Shenzhen Special Economic Zone (SEZ), unang SEZ at pinto ng pagbubukas sa labas at reporma ng Tsina, isang malaking pagtitipun-tipon ang idinaos ngayong umaga sa naturang lunsod na matatagpuan sa lalawigang Guangdong sa dakong timog ng bansa.
Sa kanyang talumpati sa selebrasyon, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ipinakikita ng masiglang lunsod ng Shenzhen sa buong daigdig ang napakalaking natamong bunga ng reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas. Ito aniya ay nagpapakita ng malinaw na prospek ng konstruksyon ng sosyalismong may katangiang Tsino.
Ayon sa datos, pagkaraan ng 40 taong pag-unlad, lumaki ng 20.7% ang taunang paglaki ng Kabuuang Halaga ng Produksyon (GDP) ng Shenzhen. Noong isang taon, umabot ito sa 2.7 trilyong yuan RMB na nasa ika-5 puwesto ang kabuuang bolyum ng kabuhayan ng Shenzhen sa mga lunsod sa Asya.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
• Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
• Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
• Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
• Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |