|
||||||||
|
||
Naglakbay-suri nitong Martes, Oktubre 13, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Navy Marine Corps ng People's Liberation Army (PLA), sa Chaozhou, Guangdong Province sa dakong timog ng bansa.
Ipinagdiinan ni Xi ang pagtatatag ng mahusay na hukbong pandagat para mapangalagaan ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa.
Ang Marine Corps ay muling inayos at binuo noong 2017, alinsunod sa kapasiyahan ng Tsina na palalimin ang reporma sa pambansang depensa at hukbo.
Si Pangulong Xi ay nanunungkulan din bilang pangkalahatang kalihim ng Communist Party of China Central Committee at tagapangulo ng Central Military Commission.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |