Ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kahalagahan ng pagpapauna ng interes at kapakinabangan ng mga mamamayang Tsino sa pagpapasulong ng pag-unlad ng mga special economic zone (SEZ) ng bansa.
Ang pahayag ay bahagi ng talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa selebrasyon ng ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng Shenzhen Special Economic Zone, unang SEZ at pinto ng pagbubukas sa labas at reporma ng Tsina. Isang malaking seremonya ang idinaos ngayong umaga sa naturang lunsod, lalawigang Guangdong sa dakong timog ng bansa kaugnay nito.
Ang pagsasakatuparan ng hangarin ng mga mamamayan para sa mas magandang pamumuhay ay laging nananatiling layunin ng pamahalaang Tsino, saad pa ng pangulo.
Salin: Jade
Pulido: Mac