|
||||||||
|
||
Inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pangangailangan ng pagpapasulong ng pag-unlad ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area, sa okasyon ng ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng Shenzhen Special Economic Zone, unang SEZ na nangunguna sa pagbubukas sa labas at reporma ng bansa.
Ipinahayag ito ni Xi sa kanyang talumpati sa seremonya bilang pagdiriwang sa apat na dekadang pag-unlad ng Shenzhen ng lalawigang Guangdong sa dakong timog ng Tsina, na ginanap ngayong umaga, Oktubre 14.
Hiniling din ng pangulong Tsino ang sinerhiya ng mga alituntunin at mekanismo ng Guangdong, Hong Kong at Macao. Kasabay nito, pabibilisin ang konstruksyon ng daambakal sa pagitan ng tatlong lugar para ibayo pang mapaginhawa ang pagpapalitan ng mga tao at kargamento.
Layon nitong pagyamanin ang pagpapairal ng patakarang"Isang Bansa Dalawang Sistema" ng Tsina, dagdag pa ni Xi.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |