|
||||||||
|
||
Winika ito ni Xi sa selebrasyon ng ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng unang SEZ sa Shenzhen, lunsod ng lalawigang Guangdong sa dakong timog ng Tsina, na ginanap ngayong umaga sa nasabing siyudad. Ang Shenzhen ay nagsisilbi bilang pinto ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina.
Ani Xi, hindi maisasakatuparan ang mabilis na pag-unlad ng Shenzhen kung walang pagsasama at pagtitiyaga ng mga talento at kompanyang banyaga.
Umaasa ani Xi ang Tsina na ang ibayo pang pagbubukas at pag-unlad ng Shenzhen ay patuloy na magkakaloob ng pagkakataon para sa kaunlaran ng iba't ibang indibiduwal, kompanya at bansang dayuhan.
Noong Disyembre 1978, nagpasiya ang pamahalaang Tsino na isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas. Noong Agosto, 1980, pinagtibay ng bansa na itatag ang SEZ sa apat na siyudad na kinabibilangan ng Shenzhen, Zhuhai, Shantou at Xiamen. Noong Abril, 1988 naman, itinatag ang Hainan Special Economic Zone.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |