Sinabi nitong Miyerkules, Oktubre 14, 2020 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang ika-5 beses na pagkahalal ng Tsina bilang miyembro ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ay nagpapakita ng lubos na pagpapahalaga ng komunidad ng daigdig sa proseso ng usapin ng karapatang pantao ng Tsina, at pagsali nito sa pangangasiwa sa karapatang pantao ng buong mundo.
Saad ni Zhao, lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pagpapasulong at pangangalaga sa karapatang pantao, at iginigiit ang kaisipan sa karapatang pantao na "gawing sentro ang mga mamamayan."
Matagumpay nitong hinanap ang landas ng karapatang pantao na may katangiang Tsino, at walang humpay na tumataas ang kaligayaan at damdamin ng pakinabang sa kaisipan ng mga mamamayan, aniya pa.
Dagdag ni Zhao, nakahanda ang Tsina na hawakan ang isyu ng karapatang pantao, sa pamamagitan ng magkatarungan, obdiyektibo at di-selektibong paraan, tutulan ang pagsasapulitika at pagsasagawa ng double standards sa isyu ng karapatang pantao, at gawin ang mas malaking ambag para sa malusog na pag-unlad ng pandaigdigang usapin ng karapatang pantao.
Salin: Vera