Ipinahayag nitong Huwebes, Hulyo 16, 2020 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang akusasyon ng Amerika sa karapatang pantao ng Tsina sa isyung may kinalaman sa Xinjiang ay pinakamalaking kasinungalingan sa kasalukuyang siglo, at ang Amerika mismo ay nangunguna sa paglapastangan sa karapatang pantao sa daigdig.
Ani Hua, kung maayos o hindi ang pagkilala sa karapatang pantao sa Tsina ay bagay na susuriin ng mga mamamayang Tsino, sa halip ng ilang pulitikong Amerikano. Nitong nakalipas na 70 taon, sa pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), hinanap ng mga mamamayang Tsino ang isang landas ng pag-unlad na angkop sa sariling kalagayan ng estado, at natamo ang kapansin-pansing tagumpay.
Sa kabilang banda naman, ang mga digmaan at aksyong militar na inilunsad ng Amerika sa mga bansang gaya ng Iraq, Libya, Syria at Afghanistan ay ikinamatay ng mahigit 800,000 katao, at ilanpung milyong mamamayan ang nawalan ng tahanan dahil dito. Napakahirap din ang kalagayan ng karapatang pantao ng mga etnikong lahi na gaya ng African-American sa loob ng Amerika.
Salin: Vera