|
||||||||
|
||
Sa kasalukuyan, maayos na umuusad ang paggawa at pagsubok ng Tsina sa bakuna ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na nasa advanced stage o sulong na katayuan sa buong daigdig.
Ayon pa sa news briefing na idinaos nitong Martes, Oktubre 20, 2020 ng Mekanismo ng Konseho ng Estado sa Magkakasanib na Pagpigil at Pagkontrol, patuloy na magsisikap ang Tsina kasama ng komunidad ng daigdig para mapangalagaan ang kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan sa daigdig.
Sa nasabing news briefing, isinalaysay ni Tian Baoguo, Pangalawang Puno ng Departamentong Pansiyensiya't Panteknolohiya ng Ministri ng Siyensiya't Teknolohiya ng Tsina, na nakapasok na sa clinical trail ang 13 Chinese COVID-19 vaccines.
Ipinaalam din niya na handa na ang mga kaukulang kompanya na malawakang iprodyus ang mga bakuna. Sa susunod na taon, maipoprodyus nila ang mahigit 1 bilyong bakuna na kayang igarantiya ang sapat na pagsuplay ng bakuna, dagdag pa niya.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |