|
||||||||
|
||
Sa pamamagitan ng video link, idinaos nitong Linggo, Oktubre 25, 2020, sa Lahore(punong lunsod ng probinsyang Punjab ng Pakistan) at Beijing ang seremonya ng pagsisimula ng operasyon ng Lahore Orange Line Metro Train Project (OLMT) Project ng China–Pakistan Economic Corridor (CPEC) - bagay na sumasagisag sa pagpasok ng Pakistan sa "subway era."
Isinagawa ng kompanyang Tsino ang nasabing proyekto.
Sa seremonya ng pagsisimula, sinabi ni Sardar Usman Buzdar, Chief Minister ng probinsyang Punjab, na sa ngayon, ang OLMT ay isa sa mga pinakamodernong urban rail transit project sa buong Timog Asya.
Aniya, mayroon itong pangmalayuang katuturang ekonomiko at panlipunan.
Sinabi pa niyang ang CPEC ay nakakapagbigay ng bagong landas para sa Pakistan tungo sa kaunlaran at kasaganaan.
Ang maalwang pagtatapos ng OLMT ay tiyak na makakapagpasulong pa sa tradisyonal na pagkakaibigang Pakistani-Sino, dagdag niya.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |