Ipinangako ng Tsina na patataasin ang lebel ng pagbubukas ng kabuhayan ng bansa sa labas, para mapasulong ang liberalisasyon at pagpapadali ng kalakalan at pamumuhunan ng buong mundo.
Mababasa ito sa Ika-14 na Panlimahang Taong Plano para sa Pambansang Kaunlarang Pangkabuhaya't Panlipunan (2021-2025), na isinapubliko nitong Huwebes, Oktubre 29.
Inilabas ng Tsina ang komunike sa kapipinid na Ika-5 Sesyong Plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Tampok sa kumunike ang naturang pambansang plano at Long-Range Objectives Through the Year 2035.
Salin: Jade
Pulido: Mac