Sa regular na preskon nitong Martes, Agosto 4, 2020, sinabi ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na patuloy at buong tatag na palalawakin ng kanyang bansa ang pagbubukas sa labas. Aniya, bukas sa iba't ibang bansa ang pinto ng Tsina sa kooperasyong panlabas, at magiging mas masagana ang bunga ng kooperasyong may win-win results ng Tsina at iba't ibang bansa.
Ayon sa ulat, ikinalat kamakailan ng iilang pulitiko ng iilang bansa ang umano'y "desinicization of industrial chains," at sinabi nilang babayaran nila ang mga kompanya upang umalis ng Tsina.
Kaugnay nito, sinabi ni Wang na sapul nang sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), unang nakontrol ng Tsina ang pagkalat ng pandemiya, at komprehensibong pinasulong ang pagpapanumbalik ng trabaho't produksyon. Dahil sa matatag na ekspektasyon sa pagbangon ng kabuhayang Tsino, walang humpay na pagbuti ng kapaligirang pangnegosyo, malawakang bentahe sa pamilihan, at nakatagong lakas ng pangangailangang panloob, magkakasunod na pinapabilis ng maraming kompanyang pinatatakbo ng puhunang dayuhan ang alokasyon sa Tsina, at aktibong pinapalawak ang pamilihang Tsino.
Hindi lumitaw at hindi lilitaw ang kalagayan ng malawakang pag-urong ng puhunang dayuhan, at pag-alis ng industry chain at supply chain sa Tsina, dagdag niya.
Salin: Vera