Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CIIE, malaking pakinabang para sa agrikultura ng Pilipinas; Tsina, treng naghahatak ng sabay-sabay na pag-ahon sa gitna ng pandemiya

(GMT+08:00) 2020-11-09 17:54:48       CRI

Kasalukuyang idinaraos ang Ika-3 China International Import Expo (CIIE) sa Shanghai, munisipalidad sa dakong silangan ng Tsina.

Apatnapung (40) exhibitor na Pilipino ang kalahok dito, at "Healthy and Natural" ang tampok ng Food Philippines Pavilion.

Sa panayam sa China Media Group-Filipino Service, sinabi ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina at puno ng delegasyong Pilipino na malaki ang nagagawang pakinabang ng CIIE sa agrikultura ng Pilipinas.

Aniya, dahil sa karanasan sa nakaraang dalawang CIIE, natuklasan ng Pilipinas na mahilig ang mga mamimiling Tsino sa mga prutas ng Pilipinas.

Sa 2019 CIIE, ang kontratang may pinakamalaking halaga ay may kaugnayan sa mga produktong agrikultural na gaya ng saging, pinya at mangga.

Kaugnay ng temang "Healthy and Natural" ng Food Philippines Pavilion, sinabi ni Sta. Romana, na sa taong ito, dahil sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), naniniwala ang Pilipinas na malaki ang magiging merkado ng prutas na masustansiya at nakakatulong sa kalusugan.

Sa kasalukuyang taon, bukod sa saging, pinya at mangga na mabiling-mabili sa mga Tsino, idinagdag din ng delegasyong Pilipino ang buko o young coconut, at mga processed product na gaya ng virgin coconut oil (VCO), banana chips, at coco water, saad ni Sta. Romana.

Layon nito aniyang umakyat sa value chain ang mga iniluluwas ng Pilipinas sa merkadong Tsino.

Papel ng CIIE sa gitna ng COVID-19

Sa kabila ng pandemiya, binuksan ang ika-3 CIIE ayon sa nakatakdang iskedyul.

Ani Sta. Romana, sa kasalukuang CIIE, nakikita niya ang balanse sa pagkontrol sa paglakat ng pandemiya at pagpapatuloy ng negosasyon at kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng iba't ibang bansa.

Halimbawa, sa Food Philippines Pavilion, may physical product presentation na ipinapasilita ng mga onsite officer na Pilipinong nakabase sa Tsina, at online B2B (business-to-business) matching activities sa pagitan ng mga kompanyang Pilipino at mga mimimiling Tsino.

Pagbubukas para sa komong kaunlaran

Ipinahayag din ni Sta. Romana ang pagsang-ayon sa pananangan ng Tsina sa pagbubukas sa labas.

Aniya, sa gitna ng pandemiya, hindi dapat magsarado ang bawat bansa, kailangang magpatuloy ang kalakalan at magkaroon ng pagkakaisa at kooperasyon sa buong mundo, na gaya ng mga kaganapan sa CIIE.

Ang Tsina aniya ang nag-iisang malaking ekonomiyang nagkakaroon ng positibong growth rate sa taong ito.

Kaya naman, inihahambing niya ang Tsina sa isang treng naghahatak sa iba't ibang karatig na bansa at halos buong mundo, para sabay-sabay umunlad at umahon sa kahirapan dahil sa pandemiya.

Panayam: Lito
Ulat: Jade
Pulido: Rhio
Video-Kuha: Lito
Video-editing: Lito/Frank

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>