Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Kung mawawala ang mga smart phone…

(GMT+08:00) 2013-08-26 10:28:01       CRI

Mayroong bagong laro ngayong sa Tsina, na kadalasang makikita sa mga salu-salo. Simple ang larong ito, itinitipon ang mga smart phone ng mga kalahok at bawal nila itong gamitin habang salu-salo. Kung sinuman ang lalabag, siya ay paparusahan, o di-kaya, siya ang magbabayad sa lahat ng kinain.

Sa katotohanan, kung oobserbahan po ang mga salu-salo o kainan sa restauwan, makikita ang isang komong kalagayan na palagiang ginagamit ang mga smart phone, pangunahin na ng mga batang Tsino. Sa halip na nagkukuwentuhan at tinitikman ang masasarap na pagkain, abala sila, hindi sa mga masarap na pagkain, kundi sa pagpindot ng smart phone. Hindi rin nila kinakausap ang isa't isa. Masasabing ang nasabing laro ay naglalayong pansamantalang ilayo sa cyber space ang mga tao para gumawa ng mga normal at tunay na social activities.

Siyempre, mahalaga ang mga smart phone sa pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, dahil nakakatugon ito sa mga pangangailangan nila, hindi lamang sa komunikasyon, kundi maging sa impormasyon, at paglilibang. At kumpara sa mga phone noong dati, ang mga smart phone ngayon ay gumaganap ng mahalagang papel sa social activities ng mga Tsino sa pamamagitan ng mga software na gaya ng QQ, Weibo at Wechat na katumbas ng facebook, at twitter.

Pero ito rin ay nagdudulot ng karagdagang gastos sa batang Tsino na mas maraming oras para sa smart phone. Dahil napakaraming impormasyon ang kumakalat ngayon sa pamamagitan ng mga smart phone, kaya kung hindi madalas gamitin ng isang tao ang smart phone, hindi siya magiging pamilyar sa mga paksa sa salu-salo o kainan sa restawran.

Pero noong 1990s at unang dako ng 2000, ang mga mobile phone ay ginamit, pangunahin na, ng mga maygulang at ang punksyon nito ay pantawag at pan-text message lamang. Kaya hindi malaking papel ang ginaganap ng mga mobile phone sa mga social activities.

Sa kasalukuyan, ang karamihang user ng mga smart phone ay mga bata na may gulang 35 taon pababa at dumarami nang dumarami ang mga punksyon ng mga smart phone. Bukod sa paghahanap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng mga smart phone, ang murang presyo at madaling paraan sa paggamit ng mga ito ang gusto ng mga batang Tsino.

Pero sa kabilang dako, ang smart phone ang umuubos ng mas maraming oras sa pamumuhay ng mga batang Tsino. Bukod sa komunikasyon, impormasyon, at paglalaro, puwede ring gamitin ang mga smart phone para sa pagbabasa, panonood ng mga video, shopping at maski pagbayad ng mga fee sa koryente, at tubig. Ibig-sabihin, nagiging mas kaunti talaga ang oras nila sa tunay na social activities at pakikipag-usap sa ibang mga tao, maski ng kanilang mga kaibigan.

Mahalaga at mabisa talaga ang mga smart phone, lalo na sa mga batang Tsino. Masasabing ang mga ito ay gumaganap ng malaking impluwensiya sa paglaki ng mga batang Tsino, hindi lamang sa pag-aaral, kundi maging sa ideya, kaugalian at social activities.

Pero ang isyung kinakaharap nila ay kung papaano isaayos ang kanilang pamumuhay sa pagitan ng cyber space at tunay na lipunan. Kung mawawala ang mga smart phone dito sa Tsina, ano kaya ang pagbabago sa pamumuhay ng mga batang Tsino?

Back to Ernest's Blog

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>