|
||||||||
|
||
gnm20130825
|
August 25, 2013 (Sunday)
Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.
Qingdao City
Kumusta na? Na-miss ba ninyo ako? Isang linggo akong nawala kasi nagpunta ako ng Qingdao, doon sa Shandong Province. Dumalo ako sa ilang mahahalagang pulong at namasyal na rin sa pali-paligid. Sa ibang pagkakataon ay ibabahagi ko sa inyo ang experience ko sa Qingdao. Napakagandang lunsod.
Salamat kina Merry Jeanne ng Carmona, Cavite; Alex ng Orani, Bataan; Irish ng Shunyi, Beijing, China; Isko ng Lemery, Batangas; at Carol ng Sydney, Australia. Babasahin ko ang inyong text messages maya-maya.
May chika si Super DJ Happy hinggil sa isang reality actor. Alamin natin sa huling bahagi ng ating programa.
Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.
Sabi ni KC Orioste ng Lumban, Laguna: "Ang US ay anti-terrorist pero ito mismo ay nangteterorista ng mga bansa. Anong nangyari sa Iraq, sa Libya, sa Egypt at sa iba pang bansa ng Gitnang Silangan? Bumuti ba ang kalagayan?"
Sabi naman ni Angie Leynes ng Bulacan, Bulacan: "Noon pa talagang questionable na iyang pork barrel. Hindi ko malaman kung bakit ngayon lang nila naisip na alisin iyan. Ilan-ilan lang naman ang nakikinabang diyan. Mabuti pa nga, alisin na lang iyan."
Sabi naman ni May Orendain ng Sta. Catalina College Manila: "In fairness, marami tayong kabataang manlalaro na naglaro nang maganda sa Asian Youth Games. Pero marami pa rin naman ang kulang sa kakayahan kaya hindi maganda ang overall standing natin. Dapat talagang pagtuunan ng pansin ang sports program natin."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.
ANNIE BATUMBAKAL
(HOTDOG)
Narinig ninyo ang Hotdog sa kanilang orihinal na awiting "Annie Batumbakal," na lifted sa album na pinamagatang "Hotdog's Greatest Hits."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
TAWA NA
Tunghayan naman natin ang ilan sa mga mensaheng natanggap namin nitong nagdaang linggo.
Giyera sa Syria, Dapat Tuldukan
Sabi ni Merry Jeanne ng Carmona, Cavite: "Magdasal tayo nang magdasal para hindi kumalat ang nagaganap na giyera sa Syria. Marami tayong madadamay."
Sabi naman ni Alex ng Orani, Bataan: "Hi, Kuya Ramon! Gusto ko lang iparating sa iyo ang appreciation ko sa inyong mga programa. Ipinagmamalaki ko ang inyong serbisyo, na nagpapalaganap ng wikang Filipino."
Sabi naman ni Irish ng Shunyi, Beijing, China: "Sana maichika mo sa amin ang nangyari sa pagpunta mo sa Qingdao Beer Festival. Balita ko malaking festival daw iyon na ginagawa taun-taon at dinarayo ng mga turista mula sa iba't ibang panig ng mundo."
Million People March against Pork Barrel
Sabi naman ni Isko ng Lemery, Batangas: "Bakit ganun iyong Million People March against Pork Barrel na inilunsad ng iba't ibang grupo? Hindi man lang umabot sa hundred thousand ang mga sumama."
Sabi naman ni Carol ng Sydney, Australia: "The more we listen to you, the more we learn about China and the more we admire the country."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
EVENING MUSIC
(JAY ZHOU)
Jay Zhou at ang awiting "Evening Music," na hango sa kanyang album na pinamagatang "November's Chopin 11."
Ngayon, bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ!
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.
Balik sa aking blog>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |