|
||||||||
|
||
gnm20130728
|
July 28, 2013 (Sunday)
Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Sana okey, ha? At kung hindi man at may problema labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan…
Salamat kina Joseph ng Sta. Ana, Manila; Mary Anne ng San Marcelino, Manila; Techie Villareal ng West Coast Way, Singapore; Bernie Brown ng Paco, Manila; at Mato ng Pandacan, Manila. Babasahin ko mamya ang mga padala ninyong SMS.
Mayroong Tsika si Super DJ Happy hinggil sa isang artista na umano'y tanggi nang tanggi na siya ay may karelasyon. Abangan ang ating balitang artista mamaya sa huling bahagi ng programang ito.
Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.
Great Wall sa Mutianyu
Great Wall sa Juyongguan
Sabi ni Ronnalyn ng Shunyi, Beijing, China: "Sa karaniwan, pag sinabing Great Wall, ang tinutukoy ng marami ay Badaling. Pero maraming bahagi ang Great Wall at Badaling lang ang madalas na pinupuntahan ng mga turista. Sana mabisita rin nila ang Mutianyu at Juyungguan."
Sabi naman ni Esther ng Pandacan, Manila: "Maganda iyong tips ninyo para sa safe na biyahe, pero kahit na anong ingat ang gawin natin naroon pa rin ang panganib dahil puwedeng maingat tayo pero hindi naman maingat ang iba at hindi lahat nasa kontrol natin."
Sabi naman ni Alex Campos ng Orani, Bataan: "Malakas ang sampalataya ko sa peaceful negotiation bilang pinakamagandang paraan ng paglutas sa mga issue. Dapat buong pakumbabang maupo sa harap ng hapag ng talastasan ang lahat ng mga taong sangkot sa usapin para malutas ang problema."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.
HEAVEN
(GUANG LIANG)
Narinig ninyo si Guang Liang sa kanyang awiting "Heaven," na lifted sa kanyang album na pinamagatang "Michael Fairy Tale."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
TAWA NA
Tunghayan naman natin ang mga SMS na natanggap namin nitong nagdaang linggo.
Sabi ni Joseph ng Punta, Sta. Ana: "Maganda rin iyong naisip nilang mapa ng pandurukot. Tamaan na ang matatamaan pero mahalaga ang kaligtasan ng mga mamamayan."
Sabi naman ni Mary Anne ng San Marcelino, Manila: "Kuya, parang mas type ko ang mansanas na galing diyan sa China. Mas malutong ang balat nito at mas matigas ang laman."
Sabi naman ni Techie ng West Coast Way, Singapore: "Sana sa mga susunod ninyong pag-usapan natin, magkaroon kayo ng tinatawag na audience participation para marinig naman ang opinion ng mga tagapakinig sa tinatalakay ninyong issues."
Sabi naman ni Bernie Brown ng Leon Guinto, Paco, Manila: "Hindi ako sang-ayon sa military alliance ng mga bansa. Iyon ay magbibigay ng negatibong signal. Bakit hindi na lang tayo magturingan na magkakaibigan at iwasan ang bantaan at awayan?"
Mapa ng Pandurukot Okey sa mga Tagapakinig
Sabi naman ni Mato ng Kahilom 2, Pandacan, Manila: "Hindi ko makakalimutan iyong madalas mong sinasabing `Huwag magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan.' Very encouraging words lalo na doon sa halos bumigay na dahil sa problema."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.
LODI
(CREEDENCE CLEARWATER REVIVAL)
Creedence Clearwater Revival at ang awiting "Lodi," na buhat sa album na may pamagat na "Platinum."
Ngayon, bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ!
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay Filipino.cri.cn; ang e-mail, Filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless...
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |