Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-31 2013

(GMT+08:00) 2013-08-09 15:00:13       CRI

August 4, 2013 (Sunday)

Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.

Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana okay, ha? At kung hindi man dahil may problema, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan.

Kung nakikinig si Edith ng Angono, Rizal at si Pinky ng Molino II, Bacoor, Cavite, naipadala ko na iyong request ninyong Great Wall t-shirts. Pakihintay na lang. Sabi ko na sa inyo malakas kayo sa amin, eh. Ayaw niyo lang maniwala, eh.

Salamat kina Howard ng Legazpi Village Makati; Bella ng Benguet, Mountain Province; Fely ng Norzagaray, Bulacan; Cindy ng Shunyi, Beijing, China; at Johnny Lim ng Binondo, Manila. Babasahin ko ang inyong text messages maya-maya.

Isaang malaking personalidad daw ang nagmana ng kataklesan sa batang kapatid. Abangan ang chika ni Super DJ Happy sa huling bahagi ng ating programa. Sino kaya iyon? Malalaman natin maya-maya.

Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.

Aksidente sa Eroplano at Tren, "Wake Up Call Din ba"?

Sabi ni Butch ng Subic Bay Port, Zambales: "Iyong mga nagaganap na kalamidad ay maaring matawag na wake up call sa atin dahil sa pang-aabuso natin sa kalikasan. Pero paano iyong mga aksidente sa eroplano at sa tren? Wake up call din kaya ang mga iyon? Bakit kaya maraming nangyayaring ganyan ngayon?"

Chinese Bookmarks

Sabi naman ni Pom ng Sta. Ana, Manila: "Salamat sa mga padala mong bookmarks, Kuya Ramon. Maraming nagagandahan at nagkakagusto kaya sana magpadala pa kayo. Hindi lang magandang pantanda sa pages ng libro kundi maganda ring pandispley."

Sabi naman ni Naila ng Connecticut, San Juan: "Ayokong ma-imagine na narito na naman ang military bases ng Amerika at ginagamit ang lupain natin sa pamiminsala ng ibang bansa. Huwag na sana itong maulit pa."

Maraming salamat sa inyong mga mensahe.

SA TABI NG BUTTERFLY SPRING
(HUANG YALI)

Narinig ninyo si Huang Yali sa awiting "Sa Tabi ng Butterfly Spring," na lifted sa kanyang album na pinamagatang "Bata."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

TAWA NA

Narito ang mga SMS na natanggap naming nitong nagdaang linggo.

Sabi ni Howard ng Legazpi Village Makati: "Hindi dapat maapektuhan ang relation ng U. S. at Russia ng issue ni Snowden. Mas marami pang issue na higit na mahalaga kaysa sa issue na ito."

Erhu

Sabi naman ni Bella ng Benguet, Mountain Province: "Sa lahat ng mga traditional Chinese instrument, ang pinakagusto ko ay ang erhu. Hindi ko alam kung bakit giliw na giliw ako sa matinis na tunog nito."

Sabi naman ni Fely ng Norzagaray, Bulacan: "Ayon sa mga balita, iyong driver daw ng nadiskarel na tren sa Spain ay gustong magpakamatay di-umano. Kung totoo ang balita, nakakalungkot talaga dahil naghanap pa siya ng damay."

Sabi naman ni Cindy ng Shunyi, Beijing: "Hinahangaan ko ang style ng China na hindi pagpapaimpluwensiya sa ibang bansa. Ginagawa nito ang lahat ng bagay nang sarilinan."

Sabi naman ni Johnny Lim ng Binondo, Manila: "Gusto lang talaga nilang magbalik ang U. S. bases sa Pinas. Huwag na sana silang magkunwari pa."

Maraming-maraming salamat sa inyong text messages.

KNOCKIN' ON HEAVEN'S DOOR
(AVRIL LAVIGNE)

Avril Lavigne at ang awiting "Knockin' on Heaven's Door," na buhat sa kanyang album na pinamagatang "My World."

Ngayon, bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ!

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

Balik sa aking blog>>

May Kinalamang Balita
gnm
v Gabi ng Musika ika-30 2013 2013-08-01 16:22:25
v Gabi ng Musika ika-29 2013 2013-07-26 16:56:01
v Gabi ng Musika ika-28 2013 2013-07-19 18:24:52
v Gabi ng Musika ika-27 2013 2013-07-12 16:09:29
v Gabi ng Musika ika-26 2013 2013-07-08 16:50:09
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>