|
||||||||
|
||
gnm20130721
|
July 21, 2013 (Sunday)
Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na, mga giliw na tagasubaybay. Sana malayo kayo sa problema. At kung mayroon man, lagi lang tatandaan na huwag magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan...
Maraming salamat kina MJ Foster ng Denmark, May Lesaca ng San Juan, Tess Tombocon ng Sta. Mesa, Marivic Lim ng Olongapo at Don Pepe ng Bukidnon. Babasahin ko ang inyong mga SMS maya-maya.
Sino ba itong showbiz mom na sinasabi ni Super DJ Happy na hindi maiming hilaw pa ang kanyang anak sa pag-arte? Tunghayan ang ating Balitang Artista sa huling bahagi ng ating programa.
American Naval Base sa Subic
American Air Base sa Angeles City, Pampanga
Ano ang sinasabi ng mga tagapakinig hinggil sa isyu ng pagbabalik ng U. S. Military Base sa Pilipinas?
Sabi ni KC Orioste ng Lumban, Laguna: "Hi, Kuya Ramon! Tutol ako sa pagbabalik ng American Military Base sa Pilipinas at installation ng Japanese Military Base. Hindi natin kailangan ng military base at military presence kundi economic base at investors presence."
Sabi naman ni Angie Leynes ng Bulacan, Bulacan: "Ang U. S. military presence sa bansa ay lilikha lamang ng regional tension. Kung sakali, tayo na lang ang bansang may gustong maglagay ng American base sa atin. Dapat matuto tayong makipagkaibigan sa lahat ng bansa para wala tayong katakutang kaaway."
Sabi naman ni Kate Ventura ng Paco, Manila: "Hindi magandang naririto sa atin ang American base. Mai-involve tayo sa digmaan na hindi naman sa atin at labag sa ating kalooban. Makakagalit natin pati iyong mga bansang katuwang natin sa negosyo at mga cultural exchanges."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.
WALK ON
(DAVID TAO)
Narinig ninyo si David Tao sa awiting "Walk On," na hango sa kanyang album na pinamagatang "David Tao 69."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
TAWA NA
Narito ang mga tinanggap naming SMS nitong nagdaang linggo:
Sabi ni MJ Foster ng Denmark: "Kuya Ramon, hindi ko alam kung ano ang sinasabi ninyong safe trip. Siyempre, pag bumiyahe ka, naroon lagi ang risks."
Sabi naman ni May Lesaca ng San Juan, Metro Manila: "Hindi ako sang-ayon sa pagbabalik ng U. S. Military Bases sa Pinas. Mas marami itong dulot na problema kaysa pakinabang. Panahon na para matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa."
Sabi naman ni Tess Tombocon ng Sta. Mesa, Manila: "Mayaman tayo sa natural resources. Mapapaunlad natin ang bansa natin kung magkakaisa tayo at magtutulungan. Hindi dapat na lagi tayong nagpapagamit sa ibang bansa."
Sabi naman ni Marivic Lim ng Bajac-Bajac, Olongapo City, Zambales: "Hi, Kuya Ramon! Sana dagdagan mo pa mga pinatutugtog mong kanta at mga binabasa mong messages. Marami kaming request na hindi napapatugtog at maraming messages na hindi nababasa."
Industriya ng Saging, Buhayin
Sabi naman ni Don Pepe ng Malaybalay, Bukidnon: "Dapat buhayin uli nila iyong industriya ng saging natin at palakasin pa ang industriya ng tubo. Mabuti sa isang bansa ang may malakas na local industries."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.
ANNIE'S SONG
(JOHN DENVER)
Ngayon, oras na naman para sa ating Balitang Artista. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ!
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay Filipino.cri.cn; ang e-mail, Filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.
Balik sa aking blog>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |