|
||||||||
|
||
gnm20130901
|
September 1, 2013 (Sunday)
Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana okay ha? At kung hindi man dahil may problema, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan.
Salamat kina Juvy ng Surigao del Sur; Let Let ng Germany; Sharon ng Fangyuan, Beijing, China; Albert ng Ayala Avenue, Makati City; at Bernie Brown ng Leon Guinto, Paco, Manila. Babasahin ko ang inyong text messages maya-maya.
aktres nagsabog daw sa pictorial. Itong si Super DJ Happy talaga, oo. Abangan ang ating Balitang Artista sa huling bahagi ng ating programa.
Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.
AYG Result ng Pilipinas Nakakasira ng Loob
Sabi ni Brix ng Makassar, Indonesia: "Iyong resulta na nakuha natin sa AYG sa Nanjing ay nagpapakita lamang na dapat magkaroon tayo ng epektibong sports program at dapat maglaan ang gobyerno ng malaking pondo para sa pagsasanay ng mga manlalaro. Hindi natin dapat pabayaan ang sports dahil bahagi ito ng ating kultura."
Sabi naman ni Dr. George ng Nakar, San Andres, Manila: "Tama naman iyong sinasabi nila na dapat mag-usap ang Tsina at Pilipinas hinggil sa kung anumang sigalot mayroon sila. Hindi dapat hayaang may ibang panig na manghimasok at hindi dapat hayaan ang iba na makaimpluwensiya sa alinman sa kanila. Iyan ang kailangang-kailangan para malutas ang kanilang maritime dispute."
No to US Military Presence in the Philippines
Sabi naman ni Vic ng DLSU Dasmarinas: "Hindi maganda kung may U. S. military presence sa alinmang lugar ng Pilipinas. Lalo lamang magki-create ito ng tension sa paligid at baka pati iyong mga nakatira roon ay atakihin ng nerbiyos pag may baba-akyat na eroplano. Mas mabuting dumistansiya na lang sila. Parang awa na nila."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.
LET GO
(PANG LONG)
Narinig ninyo si Pang Long sa kanyang awiting "Let Go," na lifted sa album na pinamagatang "Two Butterflies."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
TAWA NA
Punta naman tayo sa ilang text messages na natanggap namin nitong nakaraang linggo.
Sabi ni Juvy ng Surigao del Sur: "Kuya, salamat sa alalay at sa encouragement. Talagang hulog ka ng langit sa amin."
Sabi naman ni Let Let ng Germany: "Sa tingin ko, hindi dapat ihambing ang website ninyo sa iba't ibang website dahil meron itong sariling characteristic."
Governor's Mansion sa Qingdao
Sabi naman ni Sharon ng Fangyuan, Beijing, China: "Kuya Ramon, napuntahan mo ba iyong Governor's Mansion noong magpunta ka sa Qingdao? Nakapasok ako doon noong bumiyahe ako ng Qingdao."
Sabi naman ni Albert ng Ayala Avenue, Makati City: "Talagang may ginamit na chemical weapon sa Syria, pero kung sino ang gumamit ay isang malaking katanungan. Hindi sila dapat magpadalus-dalos sa paggawa ng konklusiyon."
Sabi naman ni Bernie Brown ng Leon Guinto, Paco, Manila: "Ayaw makisangkot ng Britanya sa military action sa Syria. Siguro magsosolo flight ang U. S. doon. Ang problema baka mag-request ng mga sundalong Pilipino."
Maraming-maraming salamat sa inyong text messages.
WHAT CAN I DO
(NAN QUAN MAMA)
Nan Quan Mama sa kanilang awiting "What Can I do," na hango sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.
Ngayon, bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ.
At diyan sa puntong iyan nagtataos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless!
Balik sa aking blog>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |