|
||||||||
|
||
gnm20130908
|
September 8, 2013 (Sunday)
Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana okay, ha? At kung hindi man dahil may problema, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan.
Salamat kina Plum Regalado ng University of Santo Tomas; Pat Cusi ng Atimonan, Quezon; May Orendain ng Sta. Catalina College Manila; Bernie Brown ng Leon Guinto, Paco, Manila; at Fely Buencamino ng Norzagaray, Bulacan. Babasahin ko ang inyong text messages maya-maya.
Kilala ba ninyo itong dating pa-sweet na celebrity na ngayon ay pa-sexy na rin? Iyan ang chika ngayon ni Super DJ Happy. Abangan ang Balitang Artista sa huling bahagi ng ating programa.
Punta na tayo sa mga piling mensahe.
Sabi ni Charles ng B. F. Homes Paranaque: "Ang bagay na nakakatakot ay kung tumulong ang Rusiya sa Syria pag natuloy ang paglusob ng mga sundalong Amerikano doon. Paano na kaya? Hindi kaya mauwi sa mas malaki-laking digmaan? Huwag naman sana. Iyon lang aral ng Second World War ay sapat-sapat na. Huwag na sanang maulit."
Sabi naman ni Irish ng Shunyi, Beijing, China: "Ngayon pa lang ini-imagine ko na kung ano ang mangyayari sa Syria sakaling matuloy ang paglusob doon ng U. S. Ngayon pa lang ay milyun-milyon na ang umaalis ng bansa. Ano pa kaya kung mas malakas na bomba ang bumagsak doon mula sa American missiles. Mahirap na ma-anticipate ang mga susunod na pangyayari."
Medalyang Ginto, Gaano Kahalaga?
Sabi naman ni Joseph ng Punta, Sta. Ana: "May kasabihan na 'Kung gusto mong gumanda, humanda kang gumasta.' Hindi mabibili ang medalya pero kung gusto mong makakuha nito, humanda kang gumastos para sa iyong mga manlalaro."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.
ROAMING AND MAPPING
(SUN YAN ZI)
Narinig ninyo si Sun Yan Zi sa kanyang awiting "Roaming and Mapping," na lifted sa collective album na pinamagatang "You Can Listen and Sing with Us."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
TAWA NA
Tunghayan naman natin ang ilan sa mga SMS na natanggap namin nitong nakaraang linggo.
Sabi ni Plum Regalado ng University of Santo Tomas: "Ang gusto ko sanang marinig na balita ay nababawasan na unti-unti ang mga Pilipinong nagpupunta sa Hong Kong at Saudi para magtrabaho. Para sa akin, ito ang magandang balita."
Sabi naman ni Pat Cusi ng Atimonan, Quezon: "Tumaas daw ang dollar reserve natin. Umabot daw ito sa billion dollars. Di ko alam kung nakikinabang dito nang husto iyong mga Pinoy abroad natin na nagpapadala ng dollars sa Pinas."
Sabi naman ni May Orendain ng Sta. Catalina College Manila: "Tiyak na unang-una tayong matatamaan kapag tumaas ang presyo ng langis sa world market kung matutuloy ang air strike ng U. S. sa Syria. May mapagkukunan pa ba naman tayong iba?"
Syrian Refugees
Sabi naman ni Bernie Brown ng Leon Guinto, Paco, Manila: "Paano mabubuhay iyong Syrian refugees? Masusustenahan ba sila ng U. N. agencies? Iyan ang isang malaking katanungan na di-maalisalis sa aking isipan. Paano nga naman ang gagawin ng mga tao kung nagbobombahan sa loob ng bansa."
Sabi naman ni Fely Buencamino ng Norzagaray, Bulacan: "Kuya Ramon, iyong simpleng pakikinig mo lang sa mga problema namin ay malaking tulong na. Kahit papaano, naiibsan mo ang bigat na dumadagan sa aming dibdib kapag nakakausap ka namin."
Maraming-maraming salamat sa inyong text messages.
WILD MONTANA SKIES
(JOHN DENVER)
John Denver sa kanyang awiting "Wild Montana Skies," featuring Emmy Lou Harris. Ang track na iyan ay hango sa album na pinamagatang "Legendary."
Ngayon, bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ.
I'VE GOT A FEELING
(JACKY CHEUNG)
Mula sa album na pinamagatang "Are You Falling in Love?" iyan ang awiting "I've Got a Feeling," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Jacky Cheung.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.
Balik sa aking blog>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |