Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Tsina at Amerika, dapat pasulungin ang people to people exchange

(GMT+08:00) 2013-11-25 13:53:36       CRI

Ang relasyong Sino-Amerikano ay importante talaga, hindi lamang para sa naturang dalawang bansa, kundi maging sa pandaigdigang kabuhayan, kaligtasan, katatagan, at kaunlaran. Kasabay nito, nananatili pa rin ang mga hidwaan ng dalawang bansa sa mga isyu na gaya ng negosyo, human right, pulitika at militar.

Sa katatapos na ika-4 na High-Level Consultation on People-to-People Exchange ng Tsina at Amerika sa Washington D.C., narating ng dalawang bansa ang mga kooperasyon sa kultura, edukasyon, teknolohiya, palakasan at isyu ng kababaihan, para palalimin ang pagpapalagayan ng kanilang mga mamamayan at hanapin ang bagong paraan sa paglutas ng mga mahalagang isyu sa pagitan ng dalawang bansa.

Walang duda, ang malawak na pagpapalagayang pangkabuhayan ng dalawang bansa ay nagpahigpit ng kanilang relasyon. Pero hindi ito lahat ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Bukod sa aktuwal na nagkakaibang posisyon ng dalawang bansa sa pambansang kapakanan, ang pagkiling at di-pagkakaunawaan ay pangunahing sagabal sa pag-unlad ng kanilang relasyon.

Para sa Tsina at Amerika kung saan malaki ang pagkakaiba sa kultura, kaugalian, at pananampalataya, ang people-to-people exchange ay katumbas ng mahalagang katayunan sa pagpapahigpit ng pagtitiwalaan at pagkakaunawaan ng kanilang mga mamamayan. Dahil ang katunayan ay pinakamagandang bagay sa pagpawi ng pagkiling at pagpapatatag ng pagkaibigan ng dalawang bansa at mga mamamayan nila.

Pero sa loob ng mahabang panahon, ang ulat ng mga media, pelikula at TV series ang mga pangunahing paraan ng pagkalap ng kaalaman ng mga mamamayan ng dalawang bansa sa isa't isa. Dahil para sa karaniwang mga mamamayang Tsino, hindi madali para sa kanila ang bumiyahe sa Amerika at mamalagi ng mahabang panahon para malaman ang tunay na kalagayan ng bansang ito, dahil sa visa at pera. Para sa mga Amerikano naman, liban sa mga malaking lunsod at lugar panturismo ng Tsina, madalang silang bumisita sa ibang mga lugar, lalo na sa mga mahihirap na nayon, kung saan katumbas ng karamihang lugar ng bansang ito.

Kaugnay ng mga ulat ng media ng Amerika hinggil sa Tsina, siguro tama ang mga nilalaman nito, pero hindi ito kompletong katunayan dahil sa limitasyon sa teknolohiya ng pag-ulat at culturel shock. Kaugnay ng mga Hollywood Film at TV Series na napakapopular sa mga Tsino, lalo na sa mga batang Tsino, ang imahe ng Amerika sa mga ito ay isang nakakaakit na lugar kung saan punong puno ng pagkakataon ng pagsasakatuparan ng pangarap ng lahat ng mga tao, pero kakaunti ang binabanggit nito tunggol sa mga kahirapan sa pagsasakatuparan ng hangarin.

Dahil dito, kahit unti-unti nang nagbabago ang kaisipan ng mga mamamayan ng Tsina at Amerika sa isa't isa sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika noong 1979, hindi nawala ang mga pagkiling at di-pagkakaunawaan ng dalawang panig na dulot ng mga malubhang sagupaan nila bago ang taong 1979.

Sa kabilang dako, sa pagbibigay ng Tsina ng mas maraming pansin sa pagpapahigpit ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa Amerika sa loob ng mahabang panahon ay humahantong sa gumagapang na pag-unlad ng people to people exchange ng dalawang panig.

Walang duda, hindi napapawi ang lahat ng mga di-napagkakasunduang posisyon sa pagitan ng mga bansa sa pambansang kapakanan, at nananatili pa rin ang pagkakaiba sa pagitan ng iba't ibang kultura. Para sa Tsina at Amerika na sumang-ayon sa pagtatatag ng bagong istilo ng relasyon ng mga malalaking bansa para pahigpitin ang pagtitiwalaan at paggalangan at maiwasan ang sagupaan, dapat nila pasulungin nang malaki ang people to people exchange.

Sana sa pamamagitan ng mga aktibidad na binanggit sa konsultasyon ng dalawang bansa, lalalim ang pagkakaunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa sa isa't isa at magiging kompletong pambansang imahe sa kaisipan ng kani-kanilang mga mamamayan.

Back to Ernest's Blog

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>