|
||||||||
|
||
ernestblog
|
Natapos na ang krisis ng debt ceiling ng Amerika at napanumbalik ang pagtakbo ng pamahalaan nito. Sa proseso ng paglutas ng isyung ito, masasabing, ang Tsina ay isa sa mga bansang buong higpit na nagbigay ng pansin sa nasabing isyu. Dahil ang Tsina ay mayroong halos 1.3 trilyong dolyares na national bond ng Amerika, at kung hindi kayang tumakbo nang normal ang pamahalaang Amerikano, at hindi maisasauli ang pambansang utang nito, ibig-sabihin, malulugi nang malaki ang kabuhayang Tsino dahil sa kinuha nitong national bond ng Amerika.
Bukod dito, kung hindi malulutas ang naturang krisis, ang mga susunod na epekto sa kabuhayan at pinansya ng Amerika at daigdig ay makakaapekto rin sa foreign exchange reserve ng Tsina at pagluluwas ng mga produkto nito sa ibang mga bansa.
Mayroong halos 3.5 trilyong dolyares na foreign exchange reserve ang Tsina at ang pagluluwas nito sa labas ay katumbas ng pundamental na katayuan sa pambansang kabuhayan. Kung maaapektuhan ang mga ito nang malaki, malulugi ang kabuhayang Tsino.
Walang duda, ang katatapos na krisis ng Amerika ay nagpapakita ng mga problema sa estrukturang pangkabuhayan nito at negatibong epekto sa kabuhayang pandaigdig. Pero sa kabilang dako, ito rin ay nagpapakita ng malaking impluwensiya ng kabuhayang Amerika sa Tsina at mga depekto ng estrukturang pangkabuhayan ng Tsina.
Sa katotohanan, ang pagtaas ng exchange rate ng RMB sa Doyalres noong nagdaang ilang taong singkad ay nagdudulot ng pagbababa ng halaga ng foreign exchange reserve ng Tsina. Ito rin ay nakakaapekto sa bolyum ng pagluluwas ng Tsina sa ibang mga bansa.
Masasabing ang Tsina ay ika-2 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, pero umaasa pa rin ang pag-unlad nito sa kabuhayan ng Amerika.
Halimbawa, ang karamihan ng mga iphone mobile devices ay niyayari sa Tsina, pero ang pangunahing bahagi ng tubong-kita sa pagbebenta ng mga ito ay napupunta sa Apple Corp, isang Amerikanong Kompanya. Ito ay nagpapakita ng pagkakaiba ng katayuang Tsino at Amerikano sa sistema ng industriyang pandaigdig.
Bukod dito, ang mga produktong iniluluwas ng Tsina ay, pangunahin na, mga primary processed products, produktong may maliit na added value, at raw material; ibig-sabihin, ang pambansang kabuhayang Tsino ay umaasa nang malaki sa pamilihan ng ibang mga bansa, lalo na sa pamilihang Amerikano, pinakamalaking pamilihan sa buong daigdig. Ito rin ay may kinalaman sa maliit na pangangailangang panloob ng Tsina.
Kaya kahit ika-2 pinakamalaking ekonomiya ang Tsina sa buong daigdig, hindi pa rin mataas ang katayuan ng Tsina sa sistemang ito.
Noong 2008, isinapubliko ng pamahalaang Tsino ang patakaran ng pagpapasigla sa kabuhayan na nagkakahalaga ng 4 na trilyong yuan RMB para mapahupa ang ekepto ng pandaigdigang krisis na pinansiyal noong panahong iyon. Ang patakarang ito ay nakatulong sa pananatili ng matatag at mabilis na pag-unlad ng kabuhayang Tsino noong ilang taong nakaraang singkad.
Pero sa kabilang dako, ang nabanggit na laang-gugulin ay, pangunahin na, pumasok sa konstruksyon ng imprastruktura, manufacturing industry at mabigat na industriya.
Kahit nagpasulong ito ng pagtaas ng GDP ng Tsina at nakalikha ng mga pagkakataon ng trabaho, hindi nito binago ang estruktura ng kabuhayan at hindi rin pinalawak ang pangangailangang panloob.
Dahil dito, ang pag-unlad ng pagluluwas ng Tsina sa labas ay hindi lamang nagpapasulong ng pambansang kabuhayan, kundi nagpapalalim din ng pag-asa ng kabuhayan ng Tsina sa pamilihang panlabas, lalo na sa pamilihang Amerikano. Kaya kapag lumilitaw ang mga problema sa kabuhayang Amerikano, lubos itong ikinababahala ng panig Tsino.
Back to Ernest's Blog
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |