|
||||||||
|
||
ernestblog
|
Ang Tsina ay isang bansa na marunong sa pagluluto, kaya, ang mga pestibal dito ay palagiang mayroong representatibong pagkain. Halimbawa ang dumpling para sa spring festival, ang rice dumpling para sa dragon boat festival, at siyempre, ang moon cake para sa Mid-Autumn Festival. Kaya sa katatapos na Mid-Autumn Festival noong ika-19 ng Setyembre o ika-15 ng Agosto sa lunar calendar ng Tsina, mabiling-mabili ang mga moon cake.
Batay sa tradisyonal na ideya, ang mga moon cake ay itinuturing na mga hugis-bilog na cake na may mga filling sa loob at kinakain sa Mid-Autumn Festival lamang. Dahil ang hugis nito ay parang full moon, kaya tinatawag ito na "moon cake" dito sa Tsina.
Noong unang panahon, ang moon cake ay ginagamit sa pag-aalay ng sakripisyo sa Diyosa ng Buwan para maging masagana ang ani sa taglagas. Dahil ang aktibidad ng pag-aalay ay palagiang nangangailangan ng pagtitipon ng buong pamilya, kaya ang Mid-Autumn Festival dito sa Tsina ay isa pang pestibal liban sa Spring Festival para makapiling ang buong pamilya.
Sa kasalukuyan, siyempre nawala na ang aktibidad ng pag-aalay para sa Diyosa ng Buwan, pero nananatili pa rin ang kaugalian ng pagkain ng moon cake para ipakita ang magandang hangarin sa pamumuhay. Sa kulturang Tsino, ang hugis-bilog ay nangangahulugang perfect at pagsasakatuparan ng hangarin.
Kahit popular na polupar ang mga moon cake sa Mid-Autumn Festival, sa katotohanan, hindi ito pang-araw-araw na pagkain. Una ang mga filling nito ay parang kendi na may labis na asukal at mantika. Ikalawa, isang gabi lang ang nasabing pestibal, ibig-sabihin, mas mahalaga ang papel na ginagampanan ng moon cake para ipakita ang magandang hangarin at pagbati sa pamumuhay, kaysa sa papel nito bilang isang pagkain.
Dahil dito, ang moon cake ay palagiang ginagamit din bilang regalo sa Mid-Autumn Festival. Sa kasalukuyan, ito ay humahantong sa isang isyu: ano ang ginagawa ng mga tao sa mga natitirang moon cake na hindi kayang naubos sa pestibal?
Ang moon cake ay dapat kainin sa Mid-Autumn Festival, sa kabilang dako, bihirang kainin ito ng mga Tsino sa pang-araw-araw na pamumuhay at bilang isang uri ng relago, hindi ito nananatili nang mahabang panahon. Kaya ang resulta, ang mga natitirang moon cake ay palagiang nagiging basura.
Sa katotohanan, ang mga representatibong pagkain sa mga pestibal dito sa Tsina noong unang panahon ay nagmula sa kakulangan ng ganitong mga bagay. Halimbawa, ang asukal at mantika noong unang panahon sa Tsina ay mahalagang bagay para sa mga karaniwang Tsino dahil sa lebel ng teknolohiya sa pagpoprodyus ng mga ito.
Ang moon cake ay isang pagkain, at ito rin ang ginagamit bilang relago sa Mid-Autumn Festival. Pero kapag may sapat na moon cake sa Tsina at nakakabili ang mga Tsino ng mga ito dahil sa pag-unlad ng teknolohiya at pagbuti ng pamumuhay ng mga mamayan, sino ang ubos ng mga ito?
Back to Ernest's Blog
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |