Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-49 2013

(GMT+08:00) 2013-12-20 15:35:26       CRI

December 8, 2013 (Sunday)

Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.

Quote for the day: "I was not a Messia but an ordinary man."--Nelson Mandela

Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, gaya ng paulit-ulit kong sinasabi, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan.

Salamat kina Mercy ng Sta. Catalina College Manila; Lilian ng Ormoc City, Leyte; Arnold ng Libertad, Pasay City; Mila ng Sta. Ana, Manila; at Malou ng Bel-Air Makati. Natanggap ko na ang text messages ninyo at babasahin ko ang mga ito maya-maya.

Sino ba itong mag-inang umorder daw ng maraming pagkain sa hotel pero ayaw bayaran ang kanilang kinain. Abangan ang Balitang Artista sa huling bahagi ng ating programa…

Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.

Sabi ni Maria Luisa ng Reina Regente, Binondo, Manila: "Talagang totoo ang sabi mo na ang pinakamabisang panlaban sa tukso ay iwasan ang matukso. Naalala ko ito noong ako ay magtrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia. Kung hindi rito nasira sana ang pamilya ko. Ngayon, kahit hindi ako kumikita nang malaki, masaya kami ng mag-anak ko."

Iwasang Magtapon ng Pagkain

Sabi naman ni Esther ng Adonis, Pandacan, Manila: "Medyo mahirap ngayon ang buhay kaya matuto tayong magtipid at bilhin lamang ang mga bagay na talagang kailangan at iwasan muna ang mga luho. Kung tayo ay magluluto o bibili ng pagkain, siguruhin natin na walang mga tira para walang masayang."

Beijing Fashion Show ni Renee Salud, Fully Appreciated

Sabi naman ni Lily ng Olongapo City, Zambales: "Fully appreciated ang fashion show ni Renee Salud sa Beijing. Panahon na para ipromote natin ang mga disenyong Pilipino at mga materyal na Pilipino. Binabati ko ang lahat ng nasa likod ng pagtatanghal na ito. Sana masundan pa ito."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.

THE WONDER OF XINJIANG
(DAO LANG)

Narinig ninyo si Dao Lang sa kanyang awiting "The Wonder of Xinjiang. Ang track na iyan ay lifted sa kanyang album na pinamagatang "The First Snow in 2002."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Bigyang-daan naman natin ang ilang text messages.

Nelson Mandela

Sabi ni Mercy ng Sta. Catalina College Manila: "Gusto ko lang iparating ang pakikiramay ko sa pamilya ni Nelson Mandela. Ang dating Pangulo ng South Africa ay sumakabilang-buhay na."

Sabi naman ni Lilian ng Ormoc City, Leyte: "Maraming bansa, organisasyon at indibiduwal ang tumulong sa atin pagkaraan ng pananalasa ng bagyong Yolanda. Pero parang konti lang ang naririnig kong pasasalamat mula sa ating mga awtoridad."

Sabi naman ni Arnold ng Libertad, Pasay City: "Mahirap talaga, Kuya Ramon, pag masyadong marurunong mga tao. Lalong walang nangyayari sa mga pag-uusap. Nagpaparunungan lang at walang natatamong bunga.

Sabi naman ni Mila ng del pan, Sta. Ana, Manila: "Sa tingin ko maganda ang mga programa ng China para sa mga elderly. Dapat siguro gayahin natin ito at dapat ituro sa mga eskuwelahan ang paggalang sa mga elderly."

Sabi naman ni Malou ng Bel-Air Makati: "Sana sa pagdiriwang natin ng Christmas, alalahanin din natin ang mga kababayan natin na nabiktima ni Yolanda. Alalahanin natin na salat sila sa halos lahat ng bagay at nangangailangan ng malaking alalay."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS.

KNOCKIN' ON HEAVEN'S DOOR
(AVRIL LAVIGNE)

Avril Lavigne sa kanyang sariling version ng awiting "Knockin' on Heaven's Door," na hango sa album na pinamagatang "My World."

Ngayon, alamin naman natin ang latest movie chika mula sa ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!

Salamat Super DJ!

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Smart Buddy) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

Balik sa aking blog>>

May Kinalamang Balita
gnm
v Gabi ng Musika ika-48 2013 2013-12-12 17:55:01
v Gabi ng Musika ika-47 2013 2013-12-09 15:12:34
v Gabi ng Musika ika-46 2013 2013-11-29 15:06:31
v Gabi ng Musika ika-45 2013 2013-11-19 19:30:46
v Gabi ng Musika ika-44 2013 2013-11-13 15:20:30
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>