|
||||||||
|
||
November 3, 2013 (Sunday)
20131103ramon.m4a
|
Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana Okay, ha? At kung may problema man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan.
Salamat sa inyong text messages, Angie Leynes ng Bulacan, Pat Cusi ng Quezon, May Orendain ng Sta. Catalina College Manila, Jocelyn Golondrina ng Mandaluyong at Celesti ng Hong Kong. Babasahin ko ang inyong mga mensahe maya-maya.
Magugustuhan ninyo ang latest chika ni Super DJ Happy ngayong gabi. Abangan ang Balitang Artista sa huling bahagi ng ating programa.
Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.
Sabi ni Cindy ng Olongapo City, Zambales: "Kaawa-awa naman iyong mga migrante na inabot ng gutom at uhaw sa Sahara Desert. Karamihan sa kanila ay namatay at doon na rin inilibing. Iyan ang isa sa mga masamang resulta ng mga gulo sa iba't ibang parte ng mundo."
Refugees sa Sahara Desert
Sabi naman ni Queeny ng Curimao, Ilocos Norte: "Ngayon ko lang na-discover ang hinggil sa Filipino Service ng China Radio International. Ito ay magandang pagkakataon para malaman ang mga bagay hinggil sa China at magandang pagkakataon rin para matuto ng wikang Filipino."
Traditional Chinese Medicine, "Very Effective"
Sabi naman ni Jane ng Riyadh, Saudi Arabia: "Walang duda na mahusay ang traditional Chinese medicine. Ang tuluyang paggaling ng isang kaibigan na may maselang sakit ay makakapagpatunay dito. Ang isa pang maganda rito sa TCM ay wala itong malaking side effects."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.
I'M THE VOICE OF A SUPERGIRL
(SHAO YUHAN)
Narinig ninyo si Shao Yuchan sa kanyang awiting "I'm the Voice of a Supergirl," na lifted sa collective album na pinamagatang "Supergirls' Voice."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
FILL – IN
Tunghayan naman natin ang ilan sa mga mensaheng natanggap namin nitong mga nagdaang araw.
Sabi ni Angie Leynes ng Bulacan, Bulacan: "Wish ko lang, sana gumanda na ang lagay ng panahon pagpasok ng Disyembre para ma-enjoy naman natin nang lubos ang Kapaskuhan."
Sabi naman ni Pat Cusi ng Atimonan, Quezon: "Maganda iyong programa ninyong nagpapaliwanag ng mga pangalan ng mga pagkaing Tsino na tulad ng Virgin Chicken at Lion's Head. Curious na curious din kasi ako."
Sabi naman ni May Orendain ng Sta. Catalina College Manila: "Natapos na ang All Saints' Day kaya ngayon Christmas naman ang pinaghahandaan ng mga tao. Sana naman magmura ang pagkain at mabawasan ang kaguluhan pagpasok ng Kapaskuhan."
Sabi naman ni Jocelyn Golondrina ng Mandaluyong, Metro Manila: "Nagsimula na namang magbatuhan ng putik ang mga pulitikong Pilipino. Ganyan ang political scenario pag malapit na ang eleksiyon. Wala talaga tayong pagbabago."
Sabi naman ni Celesti ng Kowloon, Hong Kong, China: "Huwag nating hahayaan na abutan tayo ng paglubog ng araw na may kasamaan ng loob para makatulog tayo nang mahimbing at hindi bumigat ang ating mga dibdib."
Maraming-maraming salamat sa inyong text messages.
REFLECTION
(CHRISTINA AGUILERA)
Christina Aguilera at ang kanyang awiting "Reflection," na hango sa album na may pamagat na "Nobody Wants To Be Lonely."
Ngayon, alamin naman natin ang latest chika mula sa ating movie reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ!
Lutuing Tsino—— Lion's head
Lutuing Tsino—— Virgin Chicken
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn, ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |