|
||||||||
|
||
November 10, 2013 (Sunday)
20131110ramon.m4a
|
Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.
Kumusta na? Okay lang ba kayo diyan? Sana okay, ha? At kung may problema man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong magpapatalo sa problema. Kayang-kaya ninyo iyan.
Salamat kina Patricia ng Kalookan, Lanie ng Maynila, Nympha ng Olongapo, Bing ng San Juan at Alice ng Makati. Natanggap ko na ang inyong text messages at babasahin ko ang mga ito maya-maya.
Salamat din sa 928 442 0119, 906 201 1704, 919 564 9010, 917 483 2281, 915 807 5559, 921 577 9195, 906 522 9981, 921 348 2588, 917 466 2270 at 918 730 5080. Sana hindi kayo magsawa ng pagpapadala ng SMS sa amin.
Isang popular na TV host daw ang puri nang puri kuno sa isang nakaharap na celebrity, pero kabaligtaran naman daw ng sinabi niya dito ang sinabi niya sa ibang tao. Alamin ang latest chika ni Super DJ Happy sa Balitang Artista portion ng ating programa.
Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.
Sabi ni Mulong ng romulo_demesa@yahoo.com: "Kasama ako sa nagpapaabot ng masayang bati sa pagbubukas ng pulong ng CPC. Naalala ko iyong madalas na sinasabi noon ng mga tagapakinig: `Ang CPC ay party by the people, of the people and for the people' "
Pulong ng CPC
Sabi naman ni Naila Feria ng Connecticut, San Juan, M. M.: "Hindi gaanong malaki ang damages ng bagyong Yolanda sa Metro Manila, pero hindi natin iyon ikinatutuwa dahil maraming kababayan ang namatay, nasugatan at nawalan ng bahay sa parteng Vizayas. Sabayan na rin natin ng action ang mga dasal natin."
Bagyong Yolanda, Sinalanta ang Gitnang Bahagi ng Pilipinas
Sabi naman ni Ruth ng Machang Road, Tianjin, China: "Sana asikasuhin naman nila iyong kaso ng Manila Hostage-taking. Huwag na nilang hayaang tuluyang sumama ang relation natin sa Hong Kong at ang imahe ng Maynila sa mata ng mga taga-Hong Kong."
Manila Hostage-taking Issue, Tapusin na
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.
EASY LOVE
(JACKY CHEUNG)
Narinig ninyo ang walang kasinlamig na tinig ni Jacky Cheung sa awiting "Easy Love," na lifted sa album na pinamagatang "Are You Falling in Love?"
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
FILL - IN
Bigyang-daan naman natin ang mga mensaheng SMS.
Sabi ni Patricia ng Lungsod ng Kalookan: "Binabati ko ang CPC sa pagbubukas ng pulong nito. Sana nga ma-address nila ang lumalaking pangangailangan ng mga mamamayan."
Sabi naman ni Lanie ng Espana, Sampaloc, Manila: "Matindi na naman ang sinapit ng mga kababayan natin sa Vizayas. Pangalawang dagok sa kanila si Yoland makaraan ang lindol."
Sabi naman ni Nympha ng Olongapo City, Zambales: "Kung minsan, hindi ko maintindihan mga tao. Pag walang trabaho, nagrereklamo; pero, pag binigyan mo ng nagtrabaho, nagrereklamo pa rin. Sala sa init, sala sa lamig"
Sabi naman ni Bing ng San Juan, Metro Manila: "Maraming likas na yaman ang Mindanao natin. Sana magkaroon ng livelihood programs ang government natin para magkaroon ng pagkakakitaan ang mga tao roon."
Sabi naman ni Alice ng Ayala Avenue, Makati City: "Salamat naman, Kuya, at mayroon kang tenga sa mga hinaing ng mga kababayan natin. Alam mo naman, no pansin sila sa iba dahil meron silang problema."
Maraming-maraming salamat sa inyong text messages.
DYING TO TELL YOU
(CHRISTIAN BAUTISTA)
Christian Bautista, sa kanyang sariling version ng awiting "Dying to Tell You," na hango sa collective album na pinamagatang "Hotsilog."
Ngayon, bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating movie reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!
Salamat, Super DJ!
FILL - IN
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |