Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-50 2013

(GMT+08:00) 2013-12-24 16:33:53       CRI

December 15, 2013 (Sunday)

Magandang-magandang gabi at welcome sa Gabi ng Musika atbp.

Quote for the day: "Most folks are as happy as they make up their minds to be."--Abraham Lincoln

Kumusta na? Sana okay lang kayo riyan at okay din ang inyong preparation para sa Christmas. Hindi kailangang magastos ang ating celebration, ha? Ang pinakamahalaga, ang sentro ng celebration ay iyong may-birthday, si Christ.

Salamat sa inyong text messages, Joseph at Ebeth ng Maynila, Howard ng Makati, at Jennifer at Ruth ng China. Babasahin ko ang inyong mga mensahe maya-maya.

Abangan ang Balitang Artista sa huling bahagi ng ating programa. Bukod sa latest chicka, mayroon ding trivia si Super DJ Happy.

Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.

Manger

Sabi ni Bingo ng Ongpin, Sta. Cruz, Manila: "Sa lahat ng Christmas symbols na mayroon tayo, ang pinakapaborito ko ay ang manger. Ito kasi ay magandang representation ng pagsilang ng ating dakilang Manunubos. Ito ay sumasagisag din sa humility."

Puto Bumbong at Bibingka

Sabi naman ni Ronnalyn ng Shunyi, Beijing, China: "Iba talaga ang feeling ng Christmas away from home. Mami-miss mo for sure ang puto bungbong at bibingka, Simbang Gabi, Noche Buena, Christmas Eve Mass at karoling. I wish all my kababayan in Beijing a very merry Christmas."

Simula na ng Simbang Gabi

Sabi naman ni Charlene ng Aguinaldo Highway, Imus, Cavite: "Hi, Kuya Ramon! Posible kaya na mahinto muna ang mga kaguluhan sa mundo kahit man lang sa buong panahon ng Pasko? Ito ang aking dinadasal-dasal at magiging dasal sa Simbang Gabi. Sana samahan ako ng lahat ng faithful sa aking pagdarasal."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.

A SUDDEN TWINKLING OF LIGHT
(XU WEI)

Narinig ninyo si Xu Wei sa kanyang awiting "A Sudden Twinkling of Light," na lifted sa album na pinamagatang "That Year."

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Tunghayan natin ang ilang text messages.

Syrian Refugees Inabutan ng Winter

Sabi ni Joseph ng Punta, Sta. Ana, Manila: "No news is good news. Marami na naman tayong masasamang balita. Ang isa ay "Inabutan ng winter ang mga Syrian refugees," at ang isa naman ay "Karamihan sa mga biktima ng bagyo, walang matinong masisilungan sa Pasko."

Sabi naman ni Howard ng Dasmarinas Village Makati: "Maganda ang pamamahala nila sa Ireland. Nakakawala na ito sa bailout ng EU at IMF at bumaba na rin ang unemployment rate at tumaas ang GDP."

Sabi naman ni Ebeth ng Florante, Pandacan, Manila: "Likas talaga sa mga Pilipino ang pagiging madamayin sa kapuwa. Minsan pa, ipinakita nila ito noong daluhungin tayo ng bagyong Yolanda. Maski iyong mga Pinoy abroad dumamay din sa mga biktima."

Sabi naman ni Jennifer ng Shunyi, Beijing, China: "Love begets love. Mahalin ang kapuwa natin at tayo ay makakatanggap din ng pagmamahal mula sa kanila—kung hindi ngayon, sa kalaunan."

Sabi naman ni Ruth ng Machang Road, Tianjin, China: "Ang programa mong Gabi ng Musika ay bahagi na ng buhay naming, Kuya Ramon. Ito ang hingahan namin ng sama ng loob at gabay para sa pang-araw-araw na pamumuhay."

KAHIT PA
(HALE)

Iyan naman ang Pinoy rock group na Hale sa kanilang awiting "Kahit Pa," na hango sa album na pinamagatang "Pinoy Play File."

Ngayon, bigyang-daan naman natin ang tinig ng ating reporter sa Maynila. Super DJ Happy, pasok!

Salamat, Super DJ!

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Buddy Smart) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

Balik sa aking blog>>

May Kinalamang Balita
gnm
v Gabi ng Musika ika-49 2013 2013-12-20 15:35:26
v Gabi ng Musika ika-48 2013 2013-12-12 17:55:01
v Gabi ng Musika ika-47 2013 2013-12-09 15:12:34
v Gabi ng Musika ika-46 2013 2013-11-29 15:06:31
v Gabi ng Musika ika-45 2013 2013-11-19 19:30:46
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>