Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-5 2014

(GMT+08:00) 2014-02-14 14:44:57       CRI

February 2, 2014 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Mother Theresa

Quote for the day: "I have found the paradox that if you love until it hurts, there can be no more hurt, only more love."--Mother Theresa

Kumusta na? Okey lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayron man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong pagugupo sa problema. Kayang-kaya ninyong reslingin iyan.

Bukod sa mga piling awitin, tampok din sa programa ngayong gabi ang balik-aral ng salin sa wikang Tsino ng mga pangunahing sangkap ng pagkain, payo at kuru-kuro plus SMS, e-mails at snail mail mula sa mga tagapakinig. Lahat ng iyan dito sa Gabi ng Musika atbp.

South Cathedral Beijing

Nagtatanong si Cecile ng New York, Cubao, Quezon City kung paano raw ako nagsisimba kung Linggo (ang sweet mo naman Cecile) at kung marami raw simbahang Katoliko dito sa Beijing.

Narinig mo iyong sinabi ko, Cecile? Ang sweet mo, hehehe. Oo naman, regular akong nagsisimba kung Linggo. Ang pinakamalapit na Catholic church dito sa amin ay mga 20 minutes away lang by taxi. Iyan ay kung hindi ma-traffic; kasi, tulad din diyan sa atin, problema din dito ang traffic. Ang pangalan ng simbahan ay Church of the Immaculate Conception of the Blessed Mary o sa Chinese Nan Tang. Ito ay itinayo ni Father Matteo Ricci, isang Italian Jesuit, noong 1601. Sana mabisita ito ng mga kababayan na magagawi dito sa Beijing. Salamat sa pagsulat, Cecile.

May e-mail si Ka Mulong, Romulo de Mesa ng Marinduque. Sabi: "Maraming salamat sa iyong pakikiramay, Ka Ramon. Narinig ko iyong programa mo noong Linggo at gusto ko rin na batiin ka ng maligayang kaarawan. Mabuti ngayon at malinaw na dating ng signal dito. Muli, maraming salamat at happy birthday."

Ang popular na popular na Chinese female band na Super Girls ay nag-release ng international edition album at karamihan sa mga track ng album na ito ay cover songs. Narito ang isa sa mga track ng naturang album…

WITHOUT YOU
(SUPER GIRLS--Zhang Liangying)

Narinig ninyo ang Super Girls sa kanilang sariling version ng awiting "Without You," na lifted sa album na pangalan ng grupo ang ginamit na pamagat.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Bigyang-daan natin ang ilang text messages…

Sabi ni Joy ng Surigao del Sur: "Hello at magandang Gabi ng Musika, Kuya Ramon. Balita ko mahaba raw ang holiday ninyo riyan dahil sa Chinese New Year. Saan ka ba magho-holiday? Wherever, ingat lang lagi."

Sabi naman ni Liat ng Orani, Bataan: "Happy Chinese New Year 2014! Ano ba ang bagay na special sa Year of the Horse? Meron ba tayong magandang economic prospects? Mababawasan ba ang unemployment? Mababawasan ba ang mga nagugutom? Ano kaya, Kuya Ramon?"

Sabi naman ni Esther ng Adonis, Pandacan, Manila: "Masayang bati sa Taon ng Kabayo, Kuya Ramon. Sana, ngayong taon, mabawasan naman ang hidwaan at karahasan sa mundo natin. Iisa lang ang mundo natin at wala tayong ibang mapupuntahan."

Sabi naman ni Jeff ng V. Luna, Quezon City: "Ibang-iba na talaga weather natin ngayon sa Philippines. Parang ayaw tayong tantanan ng ulan at bagyo. Hindi ka tuloy makapagplano kung ano ang mga susunod na gagawin sa mga darating na araw."

Sabi naman ni Lilian ng Subic, Zambales: "Hi, Kuya Ramon! Ano ang masasabi mo sa mga demonstrations sa Ukraine, Thailand, Cambodia, Egypt at iba pang lugar? Hindi ba ito signs ng discontentment? Let me hear from you."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensaheng SMS…

TEN YOUNG FIREFIGHTERS
(EASON CHAN)

Eason Chan sa awiting "Ten Young Firefighters," na hango sa album na pinamagatang "Digital Life."

Balik-aralan natin iyong mga natutuhan natin noong nakaraan na translation ng mga pangunahing sangkap ng pagkain. Tingnan uli natin ang translation ng talong, ampalaya, ubi, gabi, spinach, karot, labanos, kamatis, sibuyas at paminta.

Ang talong ay qiezi; ang ampalaya ay kugua; ang ubi ay shu; ang gabi ay yutou; ang spinach ay bocai; ang karot ay huluobo; ang labanos ay luobo; ang kamatis ay xihongshi; ang sibuyas ay yangcong; at ang paminta ay hujiao fen.

Okey, babalik-aralan natin iyong mga iba pa next time. Magpapatuloy tayo…

EXCUSE
(Jay Chou)

Iyan naman si Jay Chou sa kanyang awiting "Excuse,"na buhat sa album na may pamagat na "Broken Bridge."

May e-mail si Kate Apacible ng Kaohsiung Hsien, Taiwan. Sabi: "Ang asawa ko po ay very particular sa pagkain. Magmula noong ipatikim ko sa kanya ang mga pagkaing natutuhan ko sa inyong Cooking Show, lalo na siyang naging malambing na malambing sa akin at walang-tigil ng kapupuri. Laging sinasabi na mahusay daw akong magluto. Ito ay dapat kong ipagpasalamat sa inyong Cooking Show. May you have more Cooking Show to come."

Maraming-maraming salamat sa e-mail at happy cooking sa iyo, Kate.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Smart Buddy) 0921 257 2397.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.

Balik sa aking blog>>

May Kinalamang Balita
gnm
v Gabi ng Musika ika-4 2014 2014-02-11 17:33:22
v Gabi ng Musika ika-3 2014 2014-01-23 18:02:08
v Gabi ng Musika ika-2 2014 2014-01-22 16:05:14
v Gabi ng Musika Una 2014 2014-01-15 09:56:42
v Gabi ng Musika ika-52 2013 2014-01-08 10:26:51
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>