|
||||||||
|
||
April 20, 2014 (Sunday)
gnm20140420.m4a
|
Magandang gabi at masayang Pasko ng Pagkabuhay sa inyong lahat! Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Shalom Aleichem
Quote for the day: "Life is a dream for the wise, a game for the fool, a comedy for the rich, a tragedy for the poor."—Shalom Aleichem
Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong pagugupo sa problema dahil kayang-kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, kung may problema, may solusyon. Kaya, cool lang kayo.
Tampok din sa programa ngayong gabi ang mga SMS, e-mail at snail mail mula sa mga tagapakinig, at ang pinananabikan ng marami na pagluluto ng isang Chinese recipe, kaya huwag kayong aalis sa tabi ng inyong mga radyo at samahan ninyo ang inyong loving DJ sa susunod na dalawampung minuto rito sa Gabi ng Musika atbp.
Tunghayan natin ang bahagi ng snail mail ni Mrs. Mercedes Javier ng Capitolio, Pasig City. Sabi ng sulat: "Happy Easter, Kuya Ramon! Pinakikinggan ko lagi-lagi ang inyong Cooking Show. Marami akong natututuhan sa programang ito. Pati history ng niluluto ninyong pagkain nalalaman ko. Iyan siguro ang dahilan kaya, sa pakikinig ko sa programang ito, nalilibang na ako, natututo pa at napapatikim ko pa ng masasarap na Chinese food ang asawa ko't anak. Naniniwala ako na lalaki pa ang following ng programa ninyong ito at darami pa ang tagahanga ni Ate Cielo. Kumusta na lang sa kanya…"
Happy Easter
Maraming salamat sa inyong pagsulat, Mrs. Javier. Sana magpatuloy pa kayo ng pakikinig sa aming mga programa. Happy Easter din po sa inyo.
Happy Easter din kina Poska ng poskadot610@hotmail.com; Lisa ng elisabornhauser@leunet.ch; Carol ng carolnene.edwards@gmail.com; at Howard ng coco_yo888@yahoo.com.
PROUD MARY
(CREEDENCE CLEARWATER REVIVAL)
Narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "Proud Mary," na inawit ng Creedence Clearwater Revival at lifted sa album na may pamagat na "Platinum."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Tunghayan naman natin ang ilang text messages.
Sabi ng +86 138 114 09630: "Kahit hindi Mahal na Araw, dapat matuto tayong magpatawad sa atraso sa atin ng iba, kasi kung hindi tayo makakapagpatawad paano tayo hihingi ng tawad sa Panginoon sa ating mga kasalanan?"
Sabi naman ng +41 792 844 823: "Malakas ang paniniwala ko na iyong search area ngayon ng MH370 ay ang final resting place ng nawawalang eroplano at ng mga pasahero nito. Saan manggagaling iyong mga signal na naririnig nila mula sa ilalim ng tubig?"
Sabi naman ng +63 921 342 5539: "Pinanonood ko iyong trial ni Pistorius. Iyon ang magandang halimbawa ng buking na buking na, humihirit pa. Ano ba naman sa akala niya, hindi marunong mag-analisa iyong mga nakikinig sa kanya?"
Sabi naman ng +63 910 149 9650: "Dapat matuto tayo sa mga scientists at mga experts. Malinaw na naipapakita nila kung ano ang mangyayari sa atin kung hindi tayo hihinto sa paggamit ng carbon-intensive fuel. Sana ma-consider ito ng ating mga pulitiko at mga industrialists."
Sabi naman ng +86 135 647 55772: "God sees you just exactly as you are. He sees you perfectly and more truly than people can. And He loves you more than you can ever imagine. Happy Easter to one and all."
Many, many thanks sa inyong text messages.
PLAY WITH ELVA
(DAVID TAO)
Iyan naman ang "Play with Elva," na inihatid sa ating masayang pakikinig ni David Tao. Ang track na iyan ay hango sa album na pinamagatang "David Tao '69."
Ngayon, alamin naman natin kung ano ang ating hapunan sa gabing ito. Narito ang ating ipinagmamalaking cook, ang walang kasing-gandang si Cielo.
Hello, friends! Heto na namang muli si Cielo at ngayong gabi, isa pa ring pangkaraniwang Chinese recipe ang i-i-introduce ko sa inyo. Ito iyong tinatawag sa Ingles na Long Beans with Prawns.
Long Beans with Prawns
Oh, ready na kayo? Narito na ang mga sangkap:
375 grams ng long beans
1 kutsara ng cooking oil
1 piraso ng bawang, dinikdik nang pino
6-8 piraso ng maliliit na prawns, inalisan ng balat
Tubig, ayon sa pangangailangan ang dami
¼ na kutsarita ng asin
Punta na tayo sa paraan ng pagluluto:
1.Tanggalin muna ang mga naiwang bahagi ng tangkay sa magkabilang dulo ng long beans tapos putulin ang mga ito sa habang 4 centimeters.
2. Mag-init ng mantika sa kawali at igisa ang isang piraso ng dinikdik
na bawang. Pag medyo kulay golden brown na ang bawang, ihulog ang prawns at igisa rin kasama ng bawang hanggang sa magbago ang kulay.
3. Isunod ang beans. Igisa ang mga ito sa loob ng 3 minuto, tapos
buhusan ng kaunting tubig sa ibabaw at budburan ng asin. Takpan ang kawali at ilaga ang beans hanggang sa maluto. Kung meron pang natitirang likido, dagdagan ang apoy at alisin ang takip ng kawali para sumingaw ang likido. Mas maganda kung maisisilbi ito pagkalutung-pagkaluto.
Sana nagustuhan ninyo ang ating recipe ngayong gabi at mai-share niyo rin sa inyong pamilya at mga kaibigan. Itong muli si Cielo. Happy cooking!
KATTY'S SONG
(SIMON AND GURFUNKLE)
Mula sa album na pinamagatang "The Definitive," iyan ang "Katty's Song," na inihatid sa ating masayang pakikinig ng Simon and Gurfunkle.
May maikling mensahe si Edwin ng R. Magsaysay, Sta. Mesa. Sabi ng mensahe: "Happy Easter, Kuya Ramon! Naka-attend ka ba ng concelebrated mass diyan sa inyo? Ano na ba ang latest hinggil sa Malaysia Airlines plane? Sa huling nasagap kong balita, unmanned submarine na raw ang sumusuyod sa kailaliman ng dagat sa pagpapatuloy ng kanilang search operation. Harinawa, makita na ang missing plane."
Salamat sa iyo, Edwin.
>>>Blog ni Kuya Ramon
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |