|
||||||||
|
||
Gabi ng Musika 20140413
|
April 13, 2014 (Sunday)
Magandang-magandag gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Muhammad Ali
Quote for the day: "Friendship is not something you learn in school, but if you haven't learned the meaning of friendship, you really haven't learned anything."--Muhammad Ali
Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong patatalo sa problema dahil kayang-kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, "Kung may problema, may solusyon." Kaya cool lang kayo. Cool, men, cool.
Bukod sa mga piling awitin, tampok din sa programa ngayong gabi ang mga SMS, e-mail at snail mail mula sa mga tagapakinig at ang pinananabikan ng marami na pagluluto ng isang Chinese recipe. Kaya huwag kayong aalis sa tabi ng inyong mga radyo at samahan ninyo ang inyong loving DJ sa susunod na dalawampung minuto dito sa Gabi ng Musika atbp.
Palm Sunday
Happy Palm Sunday sa inyong lahat! Nagsimba ba kayo? Sana hindi ninyo nakalimutang magsimba. Holy Day of Obligation ngayon.
Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.
Sabi ni Merry Jeanne ng Carmona, Cavite: "Masayang bati sa Araw ng Palaspas, Kuya Ramon. Sana, sa araw na ito, magampanan mo ang obligasyon mo bilang isang Kristiyano at sana magawa mo ring makapag-istasyon at makapagbisita iglesiya. Magsama-sama tayo, Kuya Ramon. Bigyan natin ng malaking pagpapahalaga ang Mahal na Araw."
Sabi naman ni Joyce ng San Pedro, Laguna: "Parang magkakasalungat ang mga balita hinggil sa MH370. May nagsasabi na malapit nang makita, pero may nagsasabi rin na malabo pa; may nagsasabi na palakas nang palakas ang nari-receive na signal, pero may nagsasabi naman na humihina na. Alin ba ang totoo. Kawawa naman iyong mga kamag-anak ng mga pasahero. Naghihintay ng wala."
YESTERDAY ONCE MORE
(CARPENTERS)
Iyan, pambungad na bilang, "Yesterday Once More," inawit ng Carpenters at lifted sa Carpenters' Greatest Hits album.
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
TEXT MESSAGES
(CIELO)
Bigyang-daan naman natin ang ilang text messages.
Sabi ng +63 917 401 3194: "Hi, Kuya Ramon! Sana mai-consider mo ito: `Don,t walk behind me, I may not lead. Don't walk in front of me, I may not follow. Just walk beside me and be my friend.' Iyan ay pananalita ni Albert Camus. Thanks, Kuya."
Sabi naman ng +86 134 261 27880: "Galing mo, Kuya. Mas masipag ka pang sumulat sa akin. Hanga na talaga ako sa iyo. Very compassionate ka and you know how to manage your time. I love you, Kuya."
Sabi naman ng +63 917 960 8218: "Hindi ko kaya yung ginagawa mo. Wala akong ganung kahabang pasensiya. Madali akong magalit. Ikaw naman agrabyado na nakatawa pa. Ano ka ba naman."
Sabi naman ng +63 920 950 2716: "Sige lang, Kuya. Ke may podcast ke wala, napapakinggan ko pa rin program ninyo. May webcast naman kayo. Wala kasing podcast ginagamit kong phone."
Sabi naman ng +1 512 336 5514: "Korek ka, Kuya. Kalingain na lang natin sarili natin dahil hindi tayo makakaasa ng kalinga mula sa iba. Nakikita naman natin ang kalakaran sa mundo— kanya-kanyang kayod."
Thank you so much sa inyong text messages.
ARE WE STILL IN LOVE?
(JACKY CHEUNG)
Iyan naman ang awiting "Are We Still in Love?" na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Jacky Cheung at hango sa album na may pamagat na "Are You Falling in Love?"
Ngayon, tingnan naman natin kung ano ang ating hapunan sa gabing ito. Narito ang ating ipinagmamalaking cook, ang walang kasing-sarap maglutong si Cielo.
Stuffed Fried Crabs
Hello mga friends! Cooking time na naman at excited ako kasi favorite ko ang iluluto natin ngayong gabi. Ito ang Stuffed Fried Crabs.
Ready na ba kayo? Narito ang mga sangkap:
2 buhay o lutong alimango
1 itlog, binati ng kaunti
1 kutsarita ng harina
Cooking oil
Para sa seasoning:
3 kutsara ng breadcrumbs
1 dried black mushroom, iyong ibinabad at hinimay
1 spring onion, tinadtad nang pino
1 kutsara ng tinadtad-nang-pinong celery
1/2 kutsarita ng asin
White pepper
Ilang patak ng sesame oil
Mauna na nating pagsamasamahin ang mga rekado para sa seasoning--dried black mushroom, spring onion, celery, asin white pepper (ayon sa panlasa ang dami) at ilang patak ng sesame oil at pagkatapos itabi muna.
Okay, narito ang paraan ng pagluluto:
1. Una, gusto kong ipaalala sa inyo na kung buhay na alimango ang gagamitin ninyo, pakuluan ito sa maraming tubig sa loob ng 10 minuto. Pagkaluto, dahan-dahang tanggalin ang shell sa likod tapos itabi.
2. Tanggalin ang lahat ng laman sa katawan, paa at sipit ng alimango. Siguruhin na walang matitira ni kapiraso mang bony tissue. Himayin ang crab meat tapos ihalo ang seasoning na nauna na nating nai-prepare tapos ihalo na rin ang itlog. Hati-hatiin ang mixture tapos ipalaman sa crab shells. Budburan ang ibabaw ng kaunting harina.
3. Mag-init ng maraming mantika sa kawali at iprito ang stuffed crabs sa loob ng isa o dalawang minuto hanggang maging golden brown. Sa pagpiprito, dapat iyong parteng may harina ang nasa ilalim. Pagkaprito, puwede na ninyong i-serve. Samahan ng chilli sauce sa pagsi-serve.
Sana kinasiyahan ninyo ang aming cooking demo ngayong gabi. Itong muli si Cielo. Happy cooking sa inyo sa inyong lahat.
ARE YOU LONESOME TONIGHT
(BARRY MANILOW)
"AreYou Lonesome Tonight," sa sariling version ni Barry Manilow at hango sa album na pinamagatang "The Ultimate."
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating munting palatuntunan sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.
Balik sa aking blog>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |