Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-16 2014

(GMT+08:00) 2014-05-14 16:45:18       CRI

April 27, 2014 (Sunday)

Quote for the day: "Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down."—Oprah Winfrey

Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong pagugupo sa problema dahil kayang-kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, "Kung may problema, may solusyon." Kaya, cool lang kayo. Cool, men, cool.

Bukod sa mga piling awitin, tampok din sa programa ngayong gabi ang mga SMS, e-mail at snail mail mula as mga tagapakinig at ang pinananabikan ng marami na pagluluto ng isang Chinese recipe. Kaya, huwag kayong aalis sa tabi ng inyong mga radyo at samahan ninyo ang inyong loving DJ sa susunod na dalawampung minuto rito sa Gabi ng Musika atbp.

Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.

Sabi ni Christine ng Ermita, Manila: "Nag-iiba na ngayon ang pag-uugali ng mga tao dahil na rin marahil sa hirap ng panahon. May mga ginagawa sila na hindi natin ma-imagine na magagawa nila lalo na kung kilalang-kilala natin sila at alam natin na hindi sila likas na manloloko tapos nadenggoy tayo dahil sa tamis ng kanilang pananalita. Siguro unawain na lang sila."

Sabi naman ni Alice ng Ayala Avenue, Makati City: "Sana hindi na lumaki ang crisis sa Ukraine. Mas mabuti kung mas maaga pa, makakapagdaos na ng dialogue ang lahat ng sides na involved dito para maayos kaagad nila ang gusot bago ito tuluyang lumaki at mawala sa control at mauwi sa digmaang sibil na tulad ng nangyari sa Syria."

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.

I WISH YOU LOVE

(NATALIE COLE)

Narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "I Wish You Love," inawit ni Natalie Cole at lifted sa album na pinamagatang "Closer: When Pop Meets Jazz."

Bigyang-daan naman natin ang ilang text messages.

Sabi ng +63 918 730 5080: "Sabi unti-unting nababawasan ang gilid ng mga isla sa mundo at nangongonti na ang mga sea grass. Paano ba ang gagawin natin niyan? Environmental disaster talaga, ah.

Sabi naman ng +63 917 500 6641: "Natutuwa ako sa mga pinatutugtog mong hit back sa Gabi ng Musika. Ang mga iyan ang tinatawag nating walang-kamatayang awitin. Sana magpatugtog ka pa nang magpatugtog ng mga ganyan. Lagi akong nakaantabay sa programa mo."

Sabi naman ng +86 135 202 34755: "Kuya Ramon, ask ko lang, gaano katagal nang nagluluto si Ate Cielo? Mukhang bihasang-bihasa siya sa pagluluto ng Chinese food, eh. Marunong din ba siyang magluto ng Thai food at Indian food? Sana subukin naman niya ang mga ito next time."

Sabi naman ng +41 787 882 084: "Advanced na advanced na ang ating science and technology pero pasama naman nang pasama lagay ng kapaligiran at humihina ang lagay ng food security. Pati tubig na maiinom malapit na ring hindi makasapat sa ating lahat. Anong saysay ng mga advancement na iyan?"

Sabi naman ng +63 919 426 0570: "Maling-mali naman ang ginawa ng kapitan ng Korean ferry boat na lumubog. Hindi niya dapat iniwan ang mga pasahero niya. Dapat tinulungan niya ang mga ito na makalabas ng barko bago siya umalis. Paano kaya natanggap ng konsiyensiya niya `yun?"

Many, many thanks sa inyong mga SMS…

THE ONE FOR ME

(LUO ZHIXIANG)

Iyan naman ang "The One for Me," inawit ni Luo Zhixiang at hango sa album na pinamagatang "You Can Listen and Sing with Us."

Ngayon, tingnan naman natin ang ating hapunan sa gabing ito. Narito ang lagi nating pinananabikang cook, ang walang kasing-yuming si Cielo.

Hello, mga friends. Heto na naman ako, ang inyong cook, si Cielo. Samahan niyo ako uli ngayong gabi para sa pagluluto ng isa na namang simpleng Chinese recipe. Ito ang Stir-fried Onions with Meat.

Narito ang mga sangkap:

300 grams ng sibuyas

50 grams ng lean meat

2 grams ng asin

1 gram ng vetsin

8 grams ng toyo

10 grams ng asukal

30 grams ng tubig

100 grams ng cooking oil

20 grams ng mixture of cornstarch and water

3 grams ng cooking wine

Dumako na tayo sa paraan ng pagluluto:

1. Alisan ng balat ang sibuyas tapos gayatin. Hiwa-hiwain din ang karne bago lagyan ng asin at buhusan ng cooking wine. Haluing mabuti pagkatapos.

2. Mag-init ng cooking oil sa temperature na 180-200 degrees centigrade. Igisa ang karne sa loob ng 2 hanggang 3 minuto. Hanguin at patuluin.

3. Mag-iwan ng 50 grams ng mantika sa kawali. Ilagay ang ginayat na sibuyas at igisa. Buhusan ng tubig at toyo at lagyan ng asin, vetsin at asukal tapos pakuluin. Buhusan ng mixture of cornstarch and water para lumapot. Ilagay ang mga piraso ng karne at haluin.

4. Isalin sa plato at isilbi.

Simpleng-simple pero masarap na pagsaluhan sa hapag-kainan. Nawa'y nagustuhan niyong lahat. Itong muli si Cielo. See you next time.

Sabi ni Naila Feria ng Connecticut, San Juan, Metro Manila, nagpo-podcast daw ngayon ang grupo nila at napapakinggan nila ang mga programang "Maarte Ako," "Pelikulang Tsino," "Dito Lang Iyan sa Tsina," "Pag-usapan Natin," at iba pa anytime. Puwede na raw silang makinig nang paulit-ulit.

Thank you sa promotion at suporta, Naila. Sana natanggap na ninyo iyong ipinadala naming Chinese novelty items.

Mayroon pa ritong ilang SMS.

Sabi ni Joselito ng Kamias Road, Quezon City: "Sana makatulong si President Obama sa pagpapahupa ng tension sa South China Sea at hindi sa pagpapa-escalate ng tension doon."

Sabi naman ni Elvira Mejia ng Macabebe, Pampanga: "Ano kaya ang sasabihin nila sa mga kamag-anakan ng mga pasahero ng Malaysia Airlines kung hindi makikita ang eroplano?"

At sabi naman ni Liat ng Orani, Bataan: "Hi, Kuya Ramon! Enjoy ako ng pakikinig sa inyong mga quotations. Very inspiring talaga. Thanks and God bless."

Salamat sa inyong text messages.

At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp.

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Smart Buddy) 0921 257 2397.

Pasok sa Blog ni Kuya Ramon

May Kinalamang Babasahin
gnm
v Gabi ng Musika ika-15 2014 2014-05-07 18:56:16
v Gabi ng Musika ika-14 2014 2014-04-30 17:50:09
v Gabi ng Musika ika-13 2014 2014-04-24 16:54:12
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>