|
||||||||
|
||
Gabi ng Musika 20140622
|
June 22, 2014 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atb.
Mother Teresa
Quote for the day: "Let us always meet each other with smile, for the smile is the beginning of love."--Mother Teresa
Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong pagugupo sa problema dahil kayang-kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, "Kung may problema, may solusyon." Kaya, cool lang kayo. Cool men, cool.
Bukod sa mga piling awitin, tampok din sa programa ngayong gabi ang mga SMS, e-mail at snail mail mula sa mga tagapakinig at ang pinananabikan ng marami na pagluluto ng isang Chinese recipe. Kaya, huwag kayong aalis sa tabi ng inyong mga radyo at samahan ninyo ang inyong loving DJ sa susunod na dalawampung minuto dito sa Gabi ng Musika atb.
Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.
Sabi ni Dr. George ng George_medina56@yahoo.com: "Binabati ko kayo sa matagumpay ninyong pagdiriwang ng Sino-Filipino Friendship Day. Sana naman matapos na nga ang hidwaan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina. Kailangan natin ang isa't isa at dapat tayong magtulungan."
Sabi naman ni Stephanie Lim ng C. M. Recto, Sta. Cruz, Manila: "Sana huwag nang madagdagan ang bilang ng mga refugees na umalis ng kanilang mga bahay dahil sa kaguluhan sa kanilang mga bansa. Malaking problema iyan sa ating lahat."
Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.
SOUND OF SILENCE
(SIMON AND GARFUNKEL)
Narinig ninyo ang ating opening salvo, "Sound of Silence," na inihatid sa ating masayang pakikinig ng Simon and Garfunkel. Ang track na iyan ay lifted sa album na pinamagatang "The Definitive."
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atb. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
TEXT MESSAGES
(CIELO)
Punta naman tayo sa mga mensahe ng ating textmates.
Sabi ng +63 917 563 1184: "Happy Independence Day sa inyo! Sana matuto na tayong magkaisa kasi iyan ang malaking kulang sa atin kaya hindi tayo umaasenso."
Sabi naman ng +63 910 921 7733: "Binabati ko kayo sa inyong matagumpay na pagdiriwang ng Philippines-China Friendship Day. Sana maging makatotohanan ang diwa ng inyong celebration. Tayo nga ay nabibilang sa isang pamilya."
Sabi naman ng +86 135 647 55772: "Matagal na akong nakikinig sa inyong music program. Ang nagugustuhan kong Chinese song artist ay si Jacky Cheung at si Jolin Tsai. Talagang malulupit ang mga iyan pagdating sa kantahan."
Sabi naman ng +63 928 001 4204: "Bakit ba nagkawindang-windang buhay ng mga Iraqis? Hindi ba dati matahimik naman silang namumuhay? Hindi ba dati wala naman ganyang kalaking kaguluhan sa loob ng bansa? Haaay, buhay nga naman!"
Sabi naman ng +41 787 882 084: "Salamat sa mga padala mong regalo, Kuya Ramon. Nakita ko picture mo sa organizer. Gaano ba bigat ng timbang mo? Parang payat ka sa picture, eh. Sana magkalaman ka naman."
Many, many thanks sa inyong text messages.
TEN YOUNG FIREFIGHTERS
(EASON CHAN)
Iyan naman ang "Ten Young Firefighters," na inawit ni Eason Chan at hango sa album na pinamagatang "Digital Life."
Ngayon, punta na tayo sa bahaging pinakahihintay ninyong lahat, ang pagluluto ng Chinese recipe. Narito ang ating ipinagmamalaking cook, ang walang kasing-sarap maglutong si Cielo.
COOKING SHOW
(CIELO)
Braised Ribbon Fish in Brown Sauce
Hello, friends! It's cooking time once again. Ito si Cielo at sa segment na ito ng ating program, isang Shandong delicacy ang ibabahagi ko sa inyo. Sa Ingles, ito ay tinatawag na Braised Ribbon Fish in Brown Sauce.
By the way, ang Lalawigan ng Shandong ay matatagpuan sa eastern part ng China.
Mga Sangkap:
2 piraso ng ribbon fish
80 gramo ng vegetable oil
Isang itlog
5 gramo ng tinadtad na sibuyas-Tagalog
10 gramo ng tinadtad na bawang
5 gramo ng tinadtad na luya
10 gramo ng cooking wine
20 gramo ng suka
20 gramo ng toyo
5 gramo ng asin
10 gramo ng asukal
20 gramo ng mixture of cornstarch and water
100 milliliter ng tubig
Paraan ng Pagluluto:
1. Tanggalin ang lamang-loob ng isda tapos hiwain nang pa-cube sa sukat na eight centimeters.
2. Batihin ang itlog sa bowl tapos ibuhos sa fish cubes.
3. Mag-init ng mantika sa kawali tapos iprito ang isda hanggang sa magkulay brown.
4. Ilagay ang iprinitong isda sa isang kaserola at isunod ang sibuyas-Tagalog, luya, bawang, asin at asukal tapos ibuhos ang cooking wine at tubig. Pakuluin at pagkulo bawasan ang apoy. Ilagay ang mixture of cornstarch and water bago takpan at ilaga sa loob ng lima hanggang walong minuto. I-serve pag malapot na ang sabaw.
At iyan ang kabuuan ng ating cooking demo ngayong gabi. Para sa inyong comments o suggestions, mag-e-mail lamang sa ramones129@yahoo.com o mag-SMS sa 0947 287 1451. Itong muli si Cielo. Bye bye for now and happy cooking!
WE'VE ONLY JUST BEGUN
(CARPENTERS)
"We've Only Just Begun," inawit ng Carpenters at buhat sa album na "Carpenters' Greatest Hits."
Sabi ni Dexter ng Singalong, San Andres, Manila: "Sana magkaroon ka ng time na manood ng World Cup, Kuya Ramon. Very interesting kasi iyong malalakas na team ay nangatalo at iyong star players ay namuraot. Interesting talaga."
Salamat sa iyo, Dexter. Ikaw talaga, ha?
May padalang quotation si Jennifer ng Malabon, Metro Manila. Sabi: "It is health that is real wealth and not pieces of gold and silver."--Mahatma Ghandi
Thank you so much, Jennifer.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atb.
Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Smart Buddy) 0947 287 1451.
Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig. God bless.
Balik sa aking blog>>
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |