Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika Ika-9 2015

(GMT+08:00) 2015-05-28 16:34:49       CRI

March 29, 2015 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Quote for the day: "The most difficult thing is the decision to act. The rest is merely tenacity."-- Amelia Earhart

Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana walang problema, ha? At kung mayroon man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong pagugupo sa problema dahil kayang kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, "Kung may problema, may solusyon." Kaya, cool lang kayo. Cool men, cool.

Bukod sa mga piling awitin, tampok din sa programa ngayong gabi ang mga SMS, email at snail mail mula sa mga tagapakinig at ang pinananabikan ng marami na Chinese recipe. Kaya huwag kayong aalis sa tabi ng inyong mga radyo at samahan ninyo ang inyong loving DJ sa susunod na dalawampung minuto dito sa Gabi ng Musika atbp.

Mga piling mensahe...

Sabi ni Kristel ng Botolan, Zambales: "Ang Mahal na Araw ay Holy Day at hindi holiday kaya stick ako sa traditional ways na tulad ng Pabasa, Sinakulo, Istasyon at Bisita Iglesiya at hindi excursion, malalakas na musika at pagsasaya."

Sabi naman ni Bro. Felix ng Methodist Church Manila: "Sana sa papalapit na Holy Week, mapagbulay-bulayan natin ang Salita ng Diyos at mapag-aralan natin kung paanong mai-a-apply ito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kailangang kailangan natin ito sa ating spiritual upliftment."

Salamat sa inyo, Kristel at Bro. Felix.

STAR ON A TV SHOW
(STYLISTICS)

Narinig ninyo ang "Star on a TV Show," na inawit ng Stylistics at lifted sa kanilang "The Best of the Stylistics" album.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Tunghayan natin ang ilang text messages.

Sabi ni Joseph ng Punta, Sta. Ana: "Mahalaga iyang BFA sa isang bansang tulad ng Philippines na nagsusumikap para maisulong ang kabuhayan. 'No man is an island,' wika nga."

Sabi naman ni Joseph ng United Paranaque, Paranaque City: "Sa tingin ko isang legal strategy ni Pangulong Aquino ang hindi pag-a-apologize sa Mamasapano tragedy. Hindi rin natin siya masisisi."

Sabi naman ni Merry Jeanne ng Carmona, Cavite: "Ano ba ang balak mong gawin ngayong Holy Week, Kuya Ramon? Maganda sana magkaroon ka ng time na makapag-istasyon at makapakinig ng Seven Last Words. Makakatulong din iyan sa iyo spiritually."

Sabi naman ni Rolly ng Guadalupe, Makati City: "Ipinaaabot ko lang ang bati ko sa pagbubukas ng BOAO Forum for Asia. Sana maging mabunga naman ang pag-uusap-usap ng lahat ng panig."

Sabi naman ni Sharon ng Fangyuan, Beijing, China: "Let's join our hands in praying for the victims of germanwings crash in France-- isa na namang nakakalungkot na air disaster ngayong taon."

Many, many thanks sa inyong mga SMS.

THE HARDER I TRY
(FREE MOVEMENT)

Mula naman sa album na may pamagat na "I Found Someone of My Own," iyan ang awiting "The Harder I Try" ng Free Movement.

Dumako na tayo sa culinary portion ng ating programa. Ang Chinese recipe natin ngayong gabi ay Soup with Stuffed Cucumbers.

SOUP WITH STUFFED CUCUMBERS

Mga Sangkap:

2 cucumbers, 18-20 cms. ang haba
150 grams ng minced pork
1 itlog
1/4 na kutsarita ng asin
puting paminta
1 pirot ng vetsin
1 kutsarita ng Chinese rice wine o dry sherry
1 kutsara ng cornflour
12 malalaking tuyong black mushrooms, ibinabad ng dalawang oras, tinanggal ang tangkay
5 tasa ng sabaw ng manok

Paraan ng Pagluluto:

Talupan ang cucumbers at hiwain sa 6 na piraso. Ukaan ng 1 centimeter ang bawat piraso at gawing parang maliit na tasa.

Paghaluin ang minced pork, itlog, asin, paminta, vetsin, rice wine at cornflour at palamanan ng mixture na ito ang bawat cucumber cup. Paibabawan ang bawat cup ng nakasaklob na mushroom cap.

Isa-isang ilagay ang cucumber cups sa malaking kaserola at ibuhos ang ibang sabaw ng manok sa kaserola hanggang sa lumubog ang cucumber cups. Ilaga sa mahinang apoy sa loob ng 30 minuto. Pakuluin ang natitirang sabaw sa hiwalay na kaserola tapos maingat na idagdag sa cucumber cups. Initing muli at isilbi.

Kung mayroon kayong katanungan, mag-email lamang sa ramones129@yahoo.com o mag-SMS sa 0947 287 1451. Magpapatuloy tayo...

SA IYONG TABI
(JACKY CHEUNG)

"Sa Iyong Tabi," inawit ni Jacky Cheung at hango sa album na may katulad na pamagat.

Nagtatanong si Carol ng carolnene.edwards@gmail.com kung ano ang pinakapaborito kong quotation sa lahat ng mga quotation na na-compile ko o natanggap ko.

So far, ang pinakagusto ko ay iyong "A real friend is one who walks in when the rest of the world walks out." Pangungusap iyan ni Walter Winchell. Iyan ang gustung gusto ko. Maram nai akong natutuhang lessons on friendship sa tagal ng panahong inilagi ko sa China. Alam mo iyang friendship investment din iyan. At tula din naman ng ibang investments, sometimes you win, sometimes you lose. Pero, win or lose, iyang investment na iyan is a good investment.

May ilang SMS pa...

Sabi ng +86 134 261 27880: "Bakit marami tayong aksidente sa himpapawid ngayong taon at nitong nakaraan? Akala ko ba computerized na lahat?"

Sabi naman ng +63 919 648 1939: "May mga rekado kayo na hindi makita rito, Kuya Ramon, kaya mino-modify ko na lang luto ng mga recipe ninyo."

Sabi naman ng +63 917 960 6218: "Thanks sa souvenir items, Kuya Ramon. Ako wala man lang maibigay sa iyo."

Salamat sa inyo. Okay lang iyan. Hindi kayo kailangang magpadala ng kahit ano. Iyong pakikinig lang ninyo ay sobra-sobra na, eh.

Oras na naman para magpaalam. Itong muli si Ramon Jr., na nagpapasalamat at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik. God bless.

May Kinalamang Balita
gnm
v Gabi ng Musika Ika-8 2015 2015-05-28 15:36:16
v Gabi ng Musika Ika-7 2015 2015-05-21 17:22:46
v Gabi ng Musika Ika-6 2015 2015-05-14 16:19:52
v Gabi ng Musika Ika-5 2015 2015-05-07 16:25:15
v Gabi ng Musika Ika-4 2015 2015-04-28 17:00:56
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>