|
||||||||
|
||
April 5, 2015 (Sunday)
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.
Quote for the day: "For God so loved the world that He gave his only son, that whoever believes in him should not perish but have eternal life."-- John 3:16
Kumusta at happy, happy Easter sa inyong lahat na mga hao pengyou sa Metro Manila! Ano ba ang pinagkaabalahan ninyo nitong Holy Week? Pa-share naman. Gusto naming makarinig mula sa inyo. Okay lang ba?
Hindi makakapagpatuloy ang programang ito hangga't hindi ko nababati ang isang BFF, best friend forever, si Mila, Mila Guerrero ng Sta. Ana, Manila. Kumusta ka na, Mila? Sorry, ngayon lang, ha? Out of focus ako noong mga nakaraan, eh. Sana okay ka lang diyan. Stay put ka lang, ha?
Salamat nga pala kay Sol ng Beijing International School. Siya ang nagpadala ng ating Bible quote ngayong gabi.
Naka-viber ko si Fely ng San Marcelino, Zambales. Isinama raw siya ng friend niya sa Pampanga at nakakita siya for the first time ng lalaking ipinapako sa krus bilang penitensiya. Hindi raw niya ma-take. Tanong niya, "Kailangan ba nating gawin iyon?"
Sinabi ko sa kanya na hindi tayo obligado na gawin iyon. Puwede naman kasi tayong magpenitensiya sa sarili nating paraan, eh. Puwede tayong mag-volunteer as caregivers. Puwede tayong mag-engage sa charity work at pumunta sa mga bilangguan para bisitahin ang mga nakakulong doon o magpunta sa mga hospital para bisitahin ang mga maysakit. Sa tingin ko mas productive pa nga ang ganitong mga paraan, eh. Kaya hindi tayo kailangang magpenitensiya nang ganoonl. Huwag kang makokonsensiya kung hindi mo magagawa iyon. Pero hindi ko naman kini-criticize iyong mga nagpapapako sa krus bilang pagtupad sa kanilang panata kung Mahal na Araw. Personal choice nila iyon at walang makakapigil sa kanila na gawin iyon. Sila rin ang nakakaalam kung anong buti mayroon iyon para sa kanila.
Salamat nga pala kay Sol ng Beijing International School. Siya ang nagpadala ng ating Bible quote ngayong gabi.
Mamaya, ang ating Chinese recipe ay Sauteed Potatoes, Bell Peppers and Eggplants. Huwag kayong kakalas, ha?
OF ALL THE THINGS
(DENNIS LAMBERT)
Iyan, narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "Of All the Things," na inawit ni Dennis Lambert. Ang track na iyan ay lifted sa album na may pamagat na "Bags and Things" 1972.
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.
Bigyang-daan natin ang ilang text messages.
Sabi ni Jennifer ng Shunyi, Beijing, China: "Happy Easter, Kuya Ramon. Sana you had a blessed Holy Week. May the peace of the Lord be with you always."
Sabi naman ni Elycia Tupaz ng Quirino Highway, Malate, Manila: "Sana nagkatimo sa ating lahat ang Mahal na Pasyon. Ito ang tanging mahalaga sa buhnay natin dito sa mundo."
Pat Cusi ng Atimonan, Quezon: "Hi, Kuya Ramon! Pumasok na tayo sa Easter season. Sana magkaroon naman ng pagbabago sa ating buhay at tumahak nawa tayo sa tuwid na landas."
Sabi naman ni Stephanie Lim ng C. M. Recto, Sta. Cruz, Manila: "Christian greetings, Kuya Ramon! Doon pa rin ako sa traditional ways of celebrating Holy Week. Nagkaroon na rin ng ilang pagbabago pero iyong kinagisnan kong paraan pa rin ang sinusunod ko at sinunod ko nitong Holy Week."
Sabi naman ni Divine ng Congressional Road, Project 8, Quezon City: "Magaang ang feeling ko ngayon kasi nagawa kong manood ng Passion Play, mag-Stations of the Cross at mag-Visita Iglesia. Iba ang feeling ko ngayon sa totoo lang."
Maraming, maraming salamat sa inyo and God bless.
Salamat din kina Edith ng Taytay, Rizal; Patricia ng Lungsod ng Kalookan; Aileen ng V. Luna, Quezon City; Melvin ng Taguig, Metro Manila at Lanie ng Espana, Sampaloc, Manila.
IN MY TIME
(TEDDY PENDERGRASS)
Iyan naman ang "In My Time," na inawit ni Teddy Pendergrass at hango sa album na may pamagat na "Love Language."
At sa culinary portion ng ating programa, ang Chinese recipe natin ngayong gabi ay Sauteed Potatoes, Bell Peppers and Eggplants.
SAUTEED POTATOES, BELL PEPPERS AND EGGPLANTS
Pangunahing Sangkap:
200 gramo ng patatas
200 gramo ng talong
100 gramo ng bell pepper
Para sa seasoning:
100 gramo ng vegetable oil
5 gramo ng asin
5 gramo ng asukal
10 gramo ng soy sauce
10 gramo ng tinadtad na sibuyas Tagalog o shallot
10 gramo ng tinadtad na bawang
20 grams ng mixture of cornstarch and water
Paraan ng Pagluluto:
Talupan ang talong at patatas tapos hiwain nang pahilis. Hugasan ang bell peppers, alisin ang mga buto at mga gulugod tapos gayatin.
Magbuhos ng 90 gramo ng mantika sa kawali. Iprito nang bahagya ang patatas tapos hanguin ang itabi. Ganoon din ang gawin sa talong.
Ibuhos ang natitirang 10 gramo ng mantika sa kawali. Igisa ang sibuyas Tagalog at bawang tapos isunod ang talong, patatas at bell peppers. Idagdag ang asin, asukal, toyo at mixture of cornstarch and water. Ituloy pa ang paghalo sa loob ng ilang minuto. Pagkaraan niyan, isilbi.
Kung mayroon kayong katanungan o suggestions, mag-email lamang sa ramones129@yahoo.com o mag-SMS sa 0947 287 1451.
DIGITAL LIFE
(EASON CHAN)
Iyan, narinig ninyo ang ating Chinese song para sa gabing ito, "Digital Life," na inawit ni Eason Chan at hango sa album na may katulad na pamagat.
Iyong isang kaibigan kong Chinese na babae ay nagtanong kung okay lang daw na makipag-live in siya sa boyfriend niya. Sabi daw kasi ng boyfriend niya magsama na lang muna sila atsaka na lang magpakasal. Tinanong ko siya kung bakit ganoon ang gustong mangyari ng boyfriend niya at bakit hindi na lang sila magpakasal kung talagang gusto siya nito. Kasi mayroon akong alam na ganyang kaso pero may valid reason iyong lalaki at may ibinigay siyang time frame sa babae kaya naman iyong pagsasama nila ay may bendisyon ng mga magulang ng babae. Pero parang iba yata ang gustong mangyari ng boyfriend ng kaibigan ko kaya sinabi ko sa kanya na kung magsasama lang sila at bahala na si Batman kung hanggang kailan, mas mabuti siguro ay layuan na lamang niya ang boyfriend niya. Siyempre masakit iyon dahil may pagtingin din naman siya sa boyfriend niya, eh. Pero iyong sakit na mararamdaman niya ay mawawala rin sa paglipas ng panahon. Mas lalong masakit kung magsasama sila tapos iwanan siya. Masakit na nakakahiya pa. Pagdating sa ganyang bagay hindi lang damdamin ang dapat isaalang-alang ng babae. Dapat mag-isip din siya for her future.
Maganda itong quotation na gustong i-share ni Chloe ng Dau, Angeles City, Pampanga: "God has a purpose for your pain, a reason for your struggles and a reward for your faithfulness. Don't give up!" Ulitin ko, ha? Maganda ito, eh: "God has a purpose for your pain, a reason for your struggles and a reward for your faithfulness. Don't give up!" Very touching. Salamat, Chloe.
Alam niyo mahilig akong magtipon ng mga quotation, kaya kung mayroon kayong naitatabi sa inyong mobile phone, i-phone, ipad o wherever, paki-share lang. I will appreciate it very much.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang edition sa araw na ito ng Gabi ng Musika atbp. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Umiwas sa gulo at sakit ng ulo at laging tandaan na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik. Zai jian and God bless.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |